Miyerkules, Setyembre 24, 2014

Kamikazee: Long Time na Romantikong Mahaharot

(photo courtesy of opm-musics.blogspot.com)
(Written February 15, 2014, Saturday, 03:12 pm)

                                                         **********************************************
First time ako susulat ukol sa banda.

Hindi ako nagbibiro pag sinabi kong isa ang Kamikazee sa paborito kong banda.

Seryoso nga mga disipulo. Idol ko si Jay [Contreras] bukod kay Jeff Hardy, Kurt Cobain, Ian Tayao, Lourd de Veyra, Joey de Leon at Gabby Alipe . Hindi sa tato, sa dating pagkahaba-haba ng buhok, o lakas ng appeal sa mga chicks. Kundi sa mga walang kupas na komedya sa mga tugtugan at mga ‘overcharged performances’. Saktong Kamikazee, parang ‘suicidal’ ang dating (pero ang suicidal talaga na bandang alam ko dito nun eh Queso.) “Erratic” daw sabi ng isang kaibigan kong babae—napakamapanghusga naman ng salitang yun. Sa palagay ko, dapat siguro “remarkable”, dahil ang bokalista ng nasabing banda ay epektib ring love advisor (syempre, ako lang ang may sabi nun) hindi mo maitatangging may tama ang mga mala-pangtelenobela nyang mga linya tulad ng “Kayong mga lalake, wag kayong magpapagamit sa mga babae dahil hindi kayo kasangkapan. At sa mga babae naman, alam naming masarap kaming paglaruan ngunit sana’y maisip nyong may damdamin din kaming nasasaktan”. O kaya  “Mahalin nyo ang mga boyfriend/girlfriend nyo, kasi  pag nawala ang mga ‘yan, duon nyo lang sila mamimiss” bago tugtugin ang ‘Halik’. Move over, Papa Jack at DJ Chacha.

2000 mula sa UP Fine Arts nabuo ang Kamikazee (6 years old lang ako nun.) Binubuo nina Jay Contreras,  Jomal Linao, Led Zeppelin Tuyay, Allan “Bords” Burdeos, at Jason “Puto” Astete. Actually, may isa pa talaga silang bokalista, yun nga lang, mga 2001 yata, nagpaalam din. Tulad ng kinukwento nila madalas, Boyband tapos naging  Kamikazee Cornflakes ang pangalan ng banda na naging Kamikazee nalang dahil sa palagi nilang nakakalimutan ang pangalan ng grupo nila (ganun talaga pag nagkakaedad, sign of aging yan.) Patugtug-tugtog lang nung una, nung tumagal sa tulong ng tropa nilang si Ocho Toleran ng Cheese, naireto sila sa Warner Music na nagtala sa kanilang self-titled debut album. Sa isang kwento nila sa PULP Magazine year 2009, “Nung nag-start naman kami eh wala naman kaming original talaga eh, kaya lang kami nagsulat kasi nga nung bigla kaming kinuha ng Warner dun palang kami nagsimula. Nagsign na kami, wala pa kaming original na kanta. (Parang)‘Uy, kailangan nating gumawa ng original kasi ang boga naman kung first album namin panay cover lang”, paliwanag ni Jay. Pero nung pinakinggan ko yung mga kanta, okey naman eh. Hindi naman tunog minadali. Mas gugustuhin ko ito kesa sa mga kumakanta nalang para tilian ng madaming babae tuwing guesting sa TV at mall shows; kulang nalang tumakbo sila sa halalan.
Di rin naman sila tumagal sa Warner, ang tsika nila eh parang wala daw plano pero nagtuluy-tuloy lang sila sa pagtugtog hanggang nag-audition sila sa Universal Records (sa tulong rin ng isa nilang solid na katropang si Chito Miranda) kung saan nakagawa sila ng 3 albums , hanggang ngayon hindi parin bumitaw sa kanila.

Una ko silang napanood nung guesting nila sa Unang Hirit sa GMA7 nung 2005 yata yun? Punyeta, hindi naman ako maaaresto kung sablay ang tantiya ko sa timeline eh. Hindi pa masyado long-haired si Jay, hindi pa ma-tato ang kanilang mga katawan, at mukhang seryosong mga tao nung nakita ko sa TV. Pinerform nila yung “Chiksilog” na kasama sa compilation album ng LevelUp! Games, ang Rok On! (Nakakalungkot nga lang din pero meron pa bang LevelUp ngayon? Parang hindi ko na ramdam eh.) As usual, hindi pinatapos nung show yung performance kasi nagpatalastas nanaman. Naiintindihan ko ang side ng mga commercial para isingit yun sa segment ng programa, pero iba yung entertainment sa negosyo. Insulto yun sa mga nanonood sa tahanan at nageenjoy dun sa performance ng banda, kahit sabihing sa TV lang. Pero hindi na natin yun palalakihin, tutal mayaman narin naman sila ngayon eh at hindi na rin baguhan sa eksena.

Tulad ng nabanggit, nakapagrelease sila ng 4 na studio albums.
o    Kamikazee (2002, Warner Music Philippines) - debut album,  astig ang artwork sa cover. Ang album na nilabasan ng mga kantang “Tsinelas”, “Rocky Jr.”, mga cover nila ng “Lucky” ni Britney Spears at “Sana Kahit Minsan” ni Ariel Rivera. At siyempre, pinakagusto ko dito yung “Girlfriend”; kung hindi ako nagkakamali, ito lang ang kantang ingles na ginawa ng ‘kazee. Pero walang masama dun ah. At least, makabayan parin sila.
o    Maharot (2006, Universal Records) – 1st album nila sa UR. Eto rin ang pinaka-‘highlight’ sa discography nila, humampas sila sa mainstream sa mga kantang “Martyr Nyebera”, “Ambisyoso”, “Seksi Seksi’ , ang “Narda’ na naging hit lalo nang ginamit sa isang fantaserye sa GMA7 na pinagbidahan ni Angel Locsin, at madami pa. The same year, if I’m not probably mistaken, yun din yung taon na ni-release nila ang rendition nila ng Doo Bi Doo” sa tribute album para sa Apo Hiking Scoiety.
o    Long Time Noisy (2009, Universal Records) – “hindi daw masyado bumenta”, pabirong hirit sa kanilang official Facebook fanpage.  Nakakalungkot isiping maaaring tama pero sa isang banda nakakadismaya, kasi overshadowed na ang OPM ng Kpop nung taong ‘yun. Nakakapanghinayang  kasi ang dami nilang magagandang kanta dun na meron ding katuturan, na pwede ring gawing singles eh. Dahil ba sa maingay tulad ng kantang “Chismosa”, “Eschoos Me” at “Lalandiin”? Malamang, kaya nga may noisy sa pamagat eh. Kung ayaw mo pakinggan eh di ‘wag. Wala akong pakialam.
o    Romantico (2012, Universal Records) – tulad nung pamagat,mas sumimple, mas lumambot at  hindi sya ganun kaingay kagaya nung last album (liban nalang sa “Wo-Oh”  na nakakarelate ako kasi pangit ako eh, at cover ng “If You’re Not Here” ng Menudo kung kasama si Chris Padilla at Steve Badiola na bumabanat.) Excellent collaboratons with Kyla on “Huling Sayaw”, Choko Abejo of Concrete Sam on “Tamis” which is a CS original; Chris Padilla of HIlera and of course, Steve Badiola of Typecast on “If You’re Not Here”.

Kahapon, Valentine’s Day, 46th Anniversary ng school namin. Syempre, campus gig ‘yun. Ibang-iba kumpara sa annual PULP Summerslam at Tanduay Rhum Rockfest na may inuman, at may moshpits. Natawa ako, mas marami pang naitugtog nung mga local bands ng eskwelahan namin kesa sa main event;  hindi ko trip yung mga banda kaya hindi ko narin pinakinggan liban nalang dun sa Tupa ni Ada (sempre hot ung vocalist eh) at dun sa isang banda na tumugtog bago ang Kamikazee. Nakalimutan ko na ang pangalan ng bandang ‘yun pero natuwa ako kasi tumugtog sila ng originals nila mismo. Tumugtog ang ‘kazee. 6 songs lang ang nabanatan nila dahil di kasya ‘yung oras para sa isa pa nilang gig (sa ParaĊˆaque yata 'yun), tapos medyo na-delay ng konti dahil yata sa mabigat na trapik. Hindi na kami nakapagpa-piktyur o nakapagpa-autograph after nung show dahil pinasakay sila agad sa kotse. Bitin pero ok parin.

Marami akong mga kaklase dati na pag nagkakakwentuhan ng mga banda, pag may bumanggit ng Kamikazee, sinasabi manyak daw, bastos daw dahil sa kanta nilang funk/reggae ditty na “Vagina” (na may linyang “Vagina, I hope you like vagina too; Vagina…”). At bakit? Dahil laging may mga tsiks na humahalik sa boklista t’wing tugtugan? Dahil mahalay sumayaw si Jay? Dahil binabanggit palagi sina Manny Pacquiao, Lady Gaga at Justin Gayber  ni Jay (at nung apat din minsan) sa mga kulitan nila? Motherfounders na mga maarteng kritiko. Akala naman nila mas maganda kung One na No Direction o Chicser ang gagawa nun. baka nga batuhin pa yun ng bomba ng mga manonood eh.

Speaking of green jokes at comedy, syempre,  dahil  idol ko nga si Jay at yung apat pa, eto ang ilan sa mga malulupit na linya na nagmula sa kanila (pasensya na , kung karamihan ay kay Jay mismo, dahil yung apat eh di naman masyado madaldal pag nasa stage o backstage), hanapin mo man sa YouTube o Google, o kung pwede, itanong mo pa sa kanya, sa mga kaibigan nya o kaya kay Travis Kraft. Kung kayo’y nababastusan na, takpan nyo na lang ang inyong mga mata.

1.       “Suportahan nyo yung album ni Gloc 9 yung MKNM, Mga Kwento ng Makata. Yung Parokya, Inuman Sessions Vol.2, out na, pero sana suportahan nyo rin yung album namin, iboto nyo yung ‘Huling Sayaw’ tangina kelangang-kelangan namin ang pera nyo; mayamang- mayaman na ang Parokya ni Edgar, mayamang-mayaman narin si Gloc 9, kami sakto lang.”- Jay, habang iniimpersonate si Gloc 9
2.       “Wag nyong kinahihiya ang vagina, yan ay isang creation ni God. Lahat tayo dyan galing."
Kung di ka galing sa p***, di ka tao, kung galing ka sa pwet, tae ka. Anumang mangyari babalik at babalik ka kung sa’n ka nanggaling; tingnan nyo ‘ko ang laki-laki ko na pero bumabalik parin ako sa p***.”


(Itutuloy…)

Tamang Panahon

Tamang Panahon
(isinulat ni Anthonny Yabut)

************************************************
Ano pa ba’ng dapat pag-usapan? Halos lahat na ng mga bagay-bagay na puwedeng  diskursuhin eh nababasa na sa internet o sa mga diyaryo, napapakinggan sa radyo, nakikita sa telebisyon, at kung anu-ano pang bunga ng sibilisasyon. Mabilis nga talaga ang biyahe ng dyip; kung di ka sasakay dito kahit angkas lang, sori ka nalang, maiiwan ka talaga.
“Ang buhay ay parang isang pelikula”,  ika nga sa kasabihan. Hindi ko talaga ma-gets yung kabuluhan ng kasabihang ito. Malabo kasing maikumpara ang buhay sa isang pelikula eh (bakit, ang buhay ba may scriptwriter? cameraman? make-up artist? utility? lights at audiomen? Wala, diba?), pero hindi ko na yun pahahabain pa, gugulo lang lalo ‘tong takdang-aralin ko. Magulo na nga eh.
Tutal nabanggit ko narin ang salitang ‘pelikula’, eto ang pag-usapan natin,, ang independent films, o para sa mas maikling katawagan, “indie”. Siguro nagtataka kayo bakit hindi yung mainstream’ o yung mas commercialized (parang yung My Little Bossings nung nakaraang pasko na puro lamang cough syrup, pancit canton, sabong panlaba ang itinakbo ng kuwento.) wag na kayong umangal, wala na kayong choice, hindi rin naman kayo kikita kung magiging choosy pa kayo.
Tulad ng sandamakmak na Pilipinong nagkukumahog sa araw –araw na buhay, hindi ako masyado nagkakaroon ng oras manood ng pelikula, (mas lalo na yung sa mga sinehan sa mga malls at kung makikita mo ang mga pinapalabas nila, baka maintindihan mo rin), kung makanood man, tsambahan nalang. Sa pagkakatanda ko, ang huling pelikula na napanood ko ay Scorpio Nights, ay hindi pala (pasensya na, wag nyo ako babatuhin ng kamatis ah.) Dahilan kung bakit pinangarap kong makapasok sa IAFT (International Academy of Film and Television) Filmschool, makagawa ng makabuluhang pelikula, at makadalo sa Cannes Film Festival noong bata palang ako. Syempre, hanggang pangarap lang ‘yun.
Pero bumalik tayo sa ‘indie’. Kung ang mainstream cinema sa ‘Pinas eh, kinakain lang ng mga endorsements, nababalutan ng ka-sosyalan ni Anne Curtis at masasakit na mga biro ni Vice Ganda, ibahin mo ang eksenang ito., hindi ito papalag sa mga pelikulang tumatakbo lamang ng 1 at kalahating oras at ginawa lang na nasanay sa parehong pormula— (i.e. kabit vs. legal na asawa, napaka-karaniwan na ‘di ba? Kaya andaming mag-aasawa ang hindi man lang umaabot ng 2 years, hiwalay na agad. bumubunga lamang ng di-magandang epekto sa mga nagsumpaan at kinasal sa simbahan at sa harap ng altar.) Gayunpaman, marami pa rin namang mainstream movies na makapagpapasaya ng puso o kukurot sa damdamin at isip ng mga tao. Eto ngayon ang problema: hindi yun bebenta.  Wala akong kontra sa mga pelikula ng GMA Films, Star Cinema, Regal, VIVA, Seiko (teka, wala na pala yun)  at kung anu-ano pa. Alam kong hindi rin madali gumawa ng pelikula  hindi rin madali mag-produce, trabaho rin yan eh; hindi pala trabaho, negosyo. Pero may pagkakaiba parin ang negosyo sa page-entertain sa tao.
Hindi ako direktor o kritiko pero nakakasama rin pala ng loob na tinatawag na “low-budget” ang mga ganitong pelikula, mas angkop ata ‘yung katawagang “D.I.Y. (Do-It-Yourself)”, at “underground”  kasi kahit sabihing hindi pulido ang mga kamerang ginamit (yung iba nga handheld lang eh), solid parin yung finished product. Mas lalo namang nakakadismaya yung sabihing tungkol lang sa kahirapan ng pinoy, basura, gay-oriented at ang pinakamasakit sa lahat na ang indie films daw ay puro lamang slum areas. Pero sa kabila ng mga masasakit na punang ‘yun, humahampas pa rin ang independent cinema; ayaw mo maniwala? Manood ka ng mga film entries sa Cinemalaya Film Festival, o kaya i-Google mo.   
Ika nga ng beteranong aktor na si John Arcilla, na nakilala sa pagganap kay Virgilio Delos Reyes sa pelikulang Compound noong 2006, (Kung tatanungin nyo ako kung tungkol saan ang kwento, basta inspired sya sa pagbomba sa isang mall sa EDSA nung taong ‘yun at pagkakakulong ni Dennis Roldan noong 2004 ,ayon sa direktor na si Will Fredo. In short, puro kidnapan at mga terorista) “Sana mas maging matalino na ang audience para wala nang pumatok na panoorin na hindi naman nakakadagdag sa kamalayan at pagtalino ng tao para harapin ang totoong buhay”, oo nga naman.  “Yung influence kasi ng Western culture eh malakas na mas gugustuhin ng mga taong manood nalang ng foreign films kesa manood ng sariling atin.”, dagdag ni Will Fredo, isa sa mga founder ng HUBO Productions, isang independent filming production team na naglabas ng mga malalalim pero ‘hard-hitting’ na mga produkto gaya ng Compound, Il Nomine Matris, at ang melodramatic na sa Pagdapo ng Mariposa (The Caregiver).
Ang sitwasyon kasi ng film industry natin, pati narin ang art, literature, print, at record industry ay parang tortang talong na hindi na-torta dahil sa ginagalaw imbes na hayaan lang hanggang sa maluto nang buo sa kawali. Ang resulta? Durug-durog nang naluto; yung iba, dumikit sa kawali, yung iba naman kalat-kalat kainin, nasunog pa, pero iisa lang din naman ang pinanggalingan nun. At ang masaklap, wala nang ingredients na pangluto pag nabitin.
Mahirap gumawa ng isang indie film. Lalo na kung hindi kumpleto ang kagamitan mo at kulang ang tao na magsisilbing ‘crew’ sa set. Hindi rin ganun kasigurado ang isyung pinansyal, uulitin ko: wala ‘tong segwey-segwey ng kung anu-anong produkto. (Yung Ang Babae sa Septic Tank, Kimi Dora, at Here Comes The Bride na sinasabing independent, katarantaduhan ‘yun. Mas mako-consider mo pa yung Six Degrees of Separtion from Lilia Cuntapay at Bwakaw kesa dyan sa tatlo.) Maski sina Peque Gallaga, Lino Brocka, at Brillante Mendoza, ay dumaan din sa puntong ‘yan.
Sa ibang dako naman, ang idol ko at lav na lav kong si Lav Diaz— na ngayon mas humataw pa sa pelikulang Mula Sa Kung Anong Meron Noon (na umabot sa anim na oras, isa sa mga elemento para manalo ng Golden Leopard Award sa Locarno International Film Festival) ay kilala sa kanyang eksperimental na estilo. “Malaya ako. Malaya ang mga pelikula ko. Pinapalaya ko ang mga ‘yan. Ang pelikula ang nagpapalaya sa atin. Hindi ako preso ng mga dalawa o isa’t kalahating oras na pelikula. ang pagkahon ng mga gawa ko sa bentahang industriya ay isang kahibangan. “ ilan lang sa mga prangka nyang hirit sa isang interbyu sa pahayagan.
Dahil indies narin ang pinag-uusapan natin, narito ang mga iilang tato ng independent filming, base sa pagkakaobserba ko:
·         Malalalim na dialogues o mas malalalim na idiomatic expressions- yun ang isa pang appeal ng indie. Para ipamulat ang isipan ng direktor at mga artista, na dapat ay malalim mag-isip dahil ang art ay malalim. Wag nyo itong irerekomenda sa mainstream, magiging over-acting ang dating. Nagmumukhang “artsy fartsy”, ika nga ni Joel Torre.
·         Prostitute. O para maka-Pilipinong dating, pokpok. Ano nga ba ang silbi ng mga tsiks sa nasabing pelikula? Syempre, pampainit ng mga eksena para sa mga mahihilig na lalaki, ‘kahirapan nga ng pinoy di ba’? iba lang ttalaga siguro and dating ng isang pelikula pag maraming tsiks. Syempre, kung merong prosti, meron ding…
·         Call boy. Male counterpart ng prosti, yan ang indie cinema, na natutuloy sa…
·         Gay scenes. Importanteng may “gay element”. Eto ang pinaka-trend ng indie films sa market, lalo na dito sa Pilipinas. Pag eto’ng ginawqa mo, tiyak na bawing-bawi ang lahat ng gastos mo, tanungin mo pa si (bleep). Ewan ko rin kung bakit. Siguro kasalanan ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros..
·         Love scenes (o bed scenes, angal nung propesor ko). O mga mas malalim pang mga eksena, ayoko nang dagdagan, baka banatan ako ng mga taga-MTRCB.
·         Taong grasa. Depende sa kuwento, da best sa role na ito si Lou Veloso at Ronnie Lazaro--- pano maging taong grasa? Sa turo ng idol kong si bayaw Jun [Sabayton, Jr.], carbon paper at mantika, o tubig lang ang kailangan.
·         Subtitles. Para naiintindihan rin ng mga manonood, sakaling makapasok sa international scene.
·         Amateur handheld camera. Uy, hindi naman lahat. Kung tipong pang- documentary at thesis films lang, siguro.  Tulad ng “The Gap” ni Karl Porio para sa IAFT Filmschool, da best yun (pero hindi nga lang handheld ang gamit, full set nga yata.)
·         Di-kilalang personalidad. Kadalasan. “Raw Talent”, ika nga. Kung mga taga-teatro, pwede rin. Pero, sinasamahan parin ng iilang mga beteranong aktor at aktres para tumatak sa isang pelikula, lalo na kung baguhan din ang gaganap na bida.
·         Slum areas. Para realistic ang dating ng set. “Pornography of poverty” o “poverty porn”, ika nga. Kung kahirapan lang din ng pinoy, ang ibabansag, ito ang magsisilbing naglalagay ng ‘reyalidad’ sa isang indie film..
·         Cameos. Pinakapaborito kong indie ay yung “Rakenrol” ni Quark Henares, mga aktwal na bandista ang nag-cameo tulad nina Mikey Amistoso (Ciudad), Diego Castillo (Sandwich), Mong Alcaraz (Chicosci, Sandwich), at iba pang magagaling na banda kagaya ng Urbandub..
Dagdag lang: eto naman ang mga ikinatataka ko sa iilang mga ugali ng mga ganitong pelikula (o sige isama narin natin ang mainstream para lahat na.)
·         Bakit sa mga bed scenes, may nagyo-yosi pagkatapos mag-anuhan? Okey lang kahit wag nyo na sagutin, baka mabasa ‘to ni Atty. Eugenio Villareal.
·         Yung mga goons (sa mga dating pelikula), balut na balot ng jacket kahit ang init-init? Tapos may tali pa sa ulo. Samantalang mga goons sa foreign films, naka-corporate attire pa, papatay lang yun ha. “Dress to kill” talaga.
·         Bakit yung mga pulis, kapag may namatay na importanteng karakter o yung bida mismo, saka lang dadating? Uso na ang trapik nun, ‘tol. Idagdag pa dyan sigaw ng ‘ napapaligiran ka na namin’. Magkakabarilan, pero buhay parin yung salarin.
·         Bakit yung karamihan sa mga ganitong pelikula, maraming eksenang nakatunganga lang ng ilang oras at parang malayo ang tinatanaw? Syempre, di mawawala ‘yon. Yun ang nagpapakita ng perspektibo ng isang tao sa buhay nya.
·         Yung eksenang hahantong na sa bed scene, bakit gumagala yung kamera? Ba’t ayaw nilang i-dissolve nalang yung scene, kung hindi naman ipapakita? Pasensya na po, MTRCB, last na po talaga.
·         Bakit nakatitig lang yung mga artista ng ilang oras na wala namang ginagawa? “Punyeta, pa’no tayo mananalo ng Cannes nyan?”
·         Bakit yung mga independent films, yun pa yung humahampas sa international scene? Hindi na ‘yan kailangan pang ipaliwanag, gets nyo na.
Tulad nga ng sinabi ko kanina, mahirap gumawa ng pelikula, mainstream man o indie, matrabaho talaga ‘yan; pero kung mahirap ang gumawa, mas mahirap naman ang manood, kasi sila ang magiging basehan kung maganda ba o hindi ang ginawa ng isang direktor. Pero kung gusto nyo talaga, may paraan naman. Lalo na sa panahon ngayon, may teknolohiya na. Si Hayden Kho nga nakagawa ng pelikula gamit lang ang cellphone eh. Ay, iba pala ‘yun.
Bilang sumatotal nito, hindi ko sinasabing bulok na ang daloy ng pelikulang Pilipino, hindi ko rin nirerekomendang gumawa kayo ng pelikulang isang tao lang ang makakarelate, o pelikulang masusuka ka muna bago matae sa sobrang lalim; kundi may nagagawa ang independent films sa pag-angat ng sining natin. Ito ay mga  pelikulang maipagmamalaki ng bansa sa kultura at estetiko. Na ito ay higit pa sa kahirapan, pamamakla, at pagtitig sa kawalan ng ilang oras na parang mga nakaka-depress na documentaries sa TV. Na ito ay mga pelikulang may puso.
Pero anuman ang mangyari, nasa hilig parin ng tao ‘yan. Kanya-kanya paring panlasa ‘yan. Maniniwala ka nalang na madami pang magagandang kwento ang nakatago. Ang tanong dyan: sa’n mo hahanapin?

Kaya sa mga gustong gumawa ng indie film. Gawa na. Direk????

(Cut!!!!!) □








(Isinulat sa ganap na Ika- 10 ng Setyembre 2014, Miyerkules, sa oras na 7:52 ng gabi)

Biyernes, Agosto 24, 2012

Orihinal na Pilipinong Myusikero



(Written July 26, 2012)


“Madaming musikero sa Pilipinas ang magagaling, ang problema, hindi sila gaanong napapansin.”

Martes, ika-8 ng umaga,nagre-relax ako kasabay ang paghigop sa mainit kong kape (ala-una pa kasi ang klase ko kaya walang masyadong pagmamadali), natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa harap ng aming lumang karaoke system, nakikinig sa di ko alam na istasyon.

Narinig ko na lang ang isang kanta na pumukaw sa atensyon ng aking mga tenga, “Ito na ang ating huling sandali, hindi na tayo magkakamali, kasi wala nang bukas, sulitin natin, ito na ang wakas, kailangan na yata nating umuwi...”, ilan sa mga lyrics ng kantang “Huling Sayaw” ng Kamikazee (kasama ang RNB princess na si Kyla)—isa sa mga impluwensyal na bandang pinoy ngayon. Naisip ko, ‘hupaw, ang galing parin ng musikang pinoy”.

Bata pa lang ako, hilig ko na ang makinig sa musika, naasar pa nga ako nun pag may naririnig akong English nakanta—foreign man o local pa rin. Kahit ngayon, isa ako sa mga nangangarap na musikerong marinig at mapakinggan, at nang masuportahan naman ng Dispulo at Confessional Serenade ang industriya ng OPM, in short for Original Pilipino Music (pero yung iba Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, pero ang tawag ng mga kaibigan ko mula dito sa Tower of Doom, Original Pilipino Metal). Pero iba man ang trip, nagkakaisa ang mga pinoy pagdating na sa tugtugan, kaya nga maraming kanta tayong maririnig na collaborations. At syempre, di rin natin dapat kalimutan ang mga kanta nung araw, tuladng heartbreaking vibrato na “Sabik ako sayo…”

Nakakalungkot mang sabihin pero ang musika natin ay kasalukuyang humihingi ng saklolo sa purgatoryo, dahil sa mga kanta ni Gayber, Lady Gaga, at No Direction? Ewan. Hindi ko sinasabing wag suportahan ang musikang banyaga, pero wag rin naman sanang kalimutan na maraming magagaling na talento dito sa Pilipinas—at kung magpe-perform man sila, performance talaga, hindi yung parang tanga lang sa suot nyang polyester na damit—balut na balot kahit mainit
.
Pero bakit nga ba malakas ang dating ng mga gawa nila kumpara sa’tin? Dahil ba maganda at pogi?Dahil magaling manamit? O baka naman tayo ang may problema. Pano naman kasi, hindi rin natin masisisi ang mga tao kung madali sila maurat sa mga kanta na puro lang nirevive, cover as widely known, at ang malupit, galing pa mismo sa mga foreign artists. Fashion? Expressive musicianship?  Poetic lyrics? Magaling naman tayo dyan eh… Oo, mahirap sumulat at gumawa ng kanta, pero kaya nga nagtutulungan, ‘diba? 

Ayokong isiping bulag lang siguro ang mga tao. Mas gugustuhin ko pang making sa kantang “Lumang Simbahan” ni Larry Miranda kesa ngayon na nadadaan sa bola ng PR at punyetang text votes na yan, oo nga naman—hindi kayang tyempuhin ng mga kantang One Direction at mga K-Pop ang babaeng laging sinasaktan ng asawa nya, o kaya taong nawawalan na ng pagasa dahil sa sabay-sabay na daloy ng problema, o kaya ang delubyong nangyayari sa ating kapaligiran ngayon.

 “Hindi na natin maitatangging palugi na yung mga labels ngayon kaya hindi na sila nagte-take ng risk para sa artist o bandang gagawa ng album”, pahayag ni Melvin Macatiag, kung kilala nyo siya, hindi ko na sasabihin pa kung sino sya. Tumpak. Isa sa mga dahilan ng pagkalugi ng musika natin ay ang pamimirata, kaya dahil sa kakapusan sa suporta, pinipili nung ibang maging independent na lang.”Being an independent artist is hard enough; we’ve almost done that before, mahirap”, malupit pa nyang dagdag. Pero kung tutuusin, mageksperimento ka, pumunta ka sa isang branch ng Odyssey, Astrovision o AstroPlus sa kahit saang branch ng SM Malls, pag tiningnan mo yung mga presyo ng mga albums, wag kanang magtaka kung bakit madami ang gumugustong mag-download nalang sa internet, i-burn sa CD, at ibenta sa halagang P50,P35, o P100 (pag DVD). Kaya sino naman ang musikerong hindi kukulo ang dugo diba? Pero kung sakali mang ibenta man nila yun sa abot-kayang presyo, Sulit din, baka mas mataas pa ang sales ng bumili at mabawi ang malaking gastos sa production budget. Bawi rin kahit sabihing mas malaki yung ginastusan sa paggawa kesa dun sa presyo.

Naiisip ko rin minsan, pa’no kaya kung sama-sama lahat ng musika sa industriya, walang “independent”, “underground”, at ang masang-masang “mainstream”, sa daloy ng impluwensya ng mga imported, marami ang humihina sa pagpapalakas ng OPM—isa sa mga halatang dahilan kung bakit umalis si Cynthia Alexander patungong ibang bansa., for the good daw, pero ang masakit na katotohanan sa isang musikerang gaya nya? It’s a big NO.

Ilang taon narin ang lumipas mula nang magpaalam ang isang istasyon sa radyo,ang NU 107, “the home of NU Rock”, sabihin man nila ang dahilan o hindi, OPM doom lang din ang dahilan..’Controversial’ man daw at ’masyadong sell-out’ sabihin ng iba, matagal narin ang 23 years, naabutan pa yata yun ng pinakagusto kong istasyon, ang UR 105.9, kung saan ang mga independent, at underground artists ang naghahari, ayus. Pero nung nawala sila, madami nanamang mga musikerong magsisikap nai-promote ang mga sarili nila kahit alam nilang hindi madali.

Ilang araw ang lumipas matapos ganapin ang kauna-unahang Philippine Popular Music Festival, na pinangunahan ng beteranong kompsitor at tinaguriang “Beethoven of the Philippines”, si Maestro Ryan Cayabyab, kasama ang iba pang magagaling sa larangan ng musikang Pilipino. Mahigit 3,000 piyesa ang pinagaralan, pero 14 lang ang pinalad na umabot sa finals. (Sayang, may dalawang entry ako, kaso di ko na-submit dahil sa ilang problema), Kahit nainiintriga ang ilan sa kanila matapos ang kompetisyon, Congratulations parin sa kanila, kasabay nun ang paghiling na ang lahat ng mga kanta nila ay mabigyang-pansin, at tumatak sa mga playlist ng marami, na pinapatugtog sa mga radyo, pinapanood sa YouTube bilang soundtrip, dina-download sa iTunes, at kinakanta saan man patungo.

Hindi masamang sumuporta ng mga banyagang impluwensya, tutal musika rin naman yun eh. Pero wag din naman sana nating kalimutan ang sariling atin, at dun sa iba na puro porma lang, kung musika, musika lang, wala nang halong kagaguhan… Hindi nyo na kailangang magsuot ng ekstraordinaryong damit para punain at i-ban ng mga tao at debotong simbahan para magconcert dito sa Pilipinas, hindi mo na kailangang mag-girlfriend ng marami, at ma-isyung may naanakan ka, hindi mo narin kailangang magpa-pogi sa mga gigs para lang tilian ng mga chicks, hindi mo na rin kailangang ipamahagi ang merchandise na ikaw rin mismo ang gumawa kung aangkinin lang ng isang istasyon gayong wala naman silang kontribusyon sa pagod at effort mo. At higit sa lahat, hindi ka na kailangang kumain ng bubog para lang magkademo.

Calamity… Fun??



(Written August 14, 2012)




Ilang araw ang lumipas, nang manguna sa mga balita sa mga lokal na pahayagan, telebisyon, at radyo ang panibagong delubyo sa bansa natin. Mula sa bagyong Gener  Helen, at di-na pangalanang bagyo na dumaan lang sa bansa natin dulot ng malakas na hanging habagat, na kung saan, yun pa yung pinakamalakas na bagyong halos tumalo kayOndoy. Nakakatawa nga eh, dahil hindi naman talaga sya bagyo, pero kung makaasta, nagpapaka. Panggap.

Kasabay nun ay pagsuspindi sa mga iilang government at non-government employees, at sa lahat ng mga klase sa bawat kanto ng Pilipinas, pampubliko man o pribado. (Pero nakakairita rin dahil yung eskwelahan namin, hindi man lang nagawang magpaanunsyo sa telebisyon o radyo, puro lang sila Facebook at text, pano naman yung iba? Kung wala silang cellphone, o walang telepono o kaya’y di nakapagbukas ng Facebook account nila eh di pa nila malalaman na wala palang klase? Mga abnoy. )

Grabeng baha, na nagmistulang dagat, nahihigit pa sa pinakamalawak na dagat sa balat ng Guinness Book of World Records. Kaya pinayuhan narin ang karamihan na manatili nalang sa kani-kanilang mga tahanan, at wag munang pumunta sa kung saan-saan. Nakita ko ang grabeng baha sa tapat ng STI sa may Ortigas, halos abot singit na yung lebel ng tubig, paghindi pa ito humupa, makikita ko ang mga tao, walking down “under the sea”. At kahit sabihin ng mga taga-ibang bansa esp. London na olats tayo sa 2012 Olympics, isa lang ang masasabi ko, “Filipinos were raised with great swimmers”.

Halos gazillion (halagang lumalampas sa pinakamataas na yunit ng milyon) na mga pagaari ang nawawala, na pinsala at natupok ng apoy---- biruin mo, nagkaroon pa ng sunog sa iilang mga magkakasunod na bloke ng mga kabahayan sa ilang lugar, faulty electrical wiring daw, yung iba napabayaan ang mga flammable materials, eto ang mahirap sa mga bahay na magkakadikit eh, pag nagkasunog, kapit-kapit din. At syempre kung may nagbrownout at nagblackout, meron namang nabiyayaan ng kuryente—yung iba nga straight to the body yung bahagi, ayun, dedbul.


Nagkandaugaga si PNoy at mga ahensyang tulad ng PAGASA, DepEd (wala na ang CHED, ipinatanggal ko na dahil parang wala namang kumikilos, mas mabagal pa kaysa sa pagong--loko lang.), DPWH, at iba pa upang matugunan ang iba pang napinsalaan, mga dapatayusin, at mga dapat tulungan. Kahit pa ang mga artista eh hindi rin nagpahuli, isa na dito si Angel Locsin, na hindi talaga pupwedeng hindi tutulong sa mga nasalanta ng bagyo, natatandaan ko nun nang ipa- online auction nya ang mga mamahallin nyang bags at accessories parai-fund sa mga nasalanta ng bagyo,hindi tulad sa iba dyan na madasalin nga, nagawa bang tumulong sa kapwa? at etong mas gusto ko, hindi sya papayag kung hindi sya ang magaabot ng tulong sa mga nawalan. A true angel inside and out. Swerte ni Phil Younghusband.  Ang longest-running noontime variety show na Eat Bulaga!, inubos nalang ang buong episode ng isang araw para mag-impake ng mga relief goods sa mga nangangailangan. Iba ang pinoy pag nagkapitan. The rest? PR na lang yan.

Mayaman man o mahirap, walang pinipili ang sakuna, kaya kahit ang mga crush kong mga artista, ang ilan sa kanila, apektado rin ng insidente, ano sila waterproof para di tablan?

Sino ang may kasalanan?

Diyosba? Kapaligiran?  O yung mga kalamidad mismo na tayo rin ang may gawa?

Tayo.

Yan angkatotohanan. Kung susumahin, hindi ako environmentalist, pero halos kalbo na ang kagubatan sa mga puno na hindi naman pinalitan pagkaputol, hindi masamaang logging, pero kung hindi mo naman tataniman ng pamalit, sino ang hihigop sa baha kapag tumaas ito? Sino ang hihigop ng maruming hangin? Ikaw ? Hindi ka si Rico J. Puno, dre.

Mga basurang kung saan-saan lang tinatapon?  Teka, para sa’n pa ang mga basurero’t kung saan lang itinatambak yung mga basura? Maski ang mga landfills hindi narin napapansin. Pero sa kabila ng lahat, andyan parin ang mga junkshops para isalba ang mga basurang may silbi pa, “may pera sa basura”, ika nga nila.

Tutal nabanggit ko narin yung hangin, susulitin ko na’to. 

Sa pagbuga ng maitim na usok mula sa mga punyetang pabrikang di man lang magawang i-upgrade ang sistema nila, sa mga bus na bulok na ang pintura sa kalawang na dinagdagan pa ng nanlalambot na gulong, at sa mga bungangang mga naninigarilyong nambubuga pa sa ibangtao, mas malala kung amoy imburnal pa yung hininga.

At iilang mga ahensyang pulitiko nanamamatay na ang mga kababayan nya , wala syang iniintindi kundi ang pagtakbo nya sa 2013 elections, na ngayon ay hindi parin alam ang tunay na kahulugan ng salitang “pagtulong”. Hindi na kita iboboto uli.

Sa mga ganitong sitwasyon, mararamdaman mo talaga ang espiritu ng pagtutulungan ng mga Pilipino. Sa gitna ng kalsadang nagmistulang dagat, nagawa parin nilang magbasketbol at magswimming kasama ang mga foreigners na enjoy na enjoy din naman. Ito ang tunay na ibig sabihin ng tagline na “it’s more fun in the Philippines”, hupaw. Sa gitna ng kalamidad hindi parin natin nakakalimutan ang ngumiti at sabihing “di mo kaya yan nang magisa, tutulungan kita.”



(Itutuloy..)

Sabado, Agosto 11, 2012

Professional wrestling: Over-sellout



(Written August 2, 2012)



Bata palang ako nung unang makanuod ng isang wrestling match, mid-2004 pa, grade 4 lang ako. Pagkakatanda ko pa nun, sa RPN ko pa yun pinapanood, may 5 o 6 pm, meron din namang 7 o 10 pm. At dahil di pa familiar sakin ang mga ganung palabas, medyo naengganyo narin akong manuod, sa TV man o sa DVD.. “Eh pugo, mas enjoyable pala ito kesa sa boxing eh.”

Unang match na napanuod ko nun ay nung nagaway sina Undertaker at Heidenreich sa isang episode ng WWE Smackdown!, kung saan duon ko unang nakitang ginawa nya yung pamatay nyang finisher, ang Tombstone Piledriver. Sumunod nun ay ipinalabas ang Royal Rumble (2004 yata yun, nakalimutan ko narin), kung saan first time ko rin makakita ng duguang labanan—hardcore, ika nga nila. Triple H vs. Randy Orton, gagamitin sana ni HHH yung martilyong ihahampas sa duguang si Orton, pero bumaliktad, sya ang nahampas. Duguan? Putik, eh di dapat patay na yung mga gumagawa ng ganyan. Ba’t di pinagbabawal ang ganitong klaseng isport sa telebisyon?
Dun ko nalaman na professionally-trained sila—na lagi nilang pinapaalala sa mga panahong ito. Kumakain sila ng ilang tao para hasain yung mga gawa nila, trabaho narin, kung tutuusin, madugong trabaho. Nabasa ko sa isang men’s magazine, “Yung mga wrestling na napapanuod sa TV, scripted yun. Alam na nila kung sino yung mananalo pati yung gagawin ng mga tao dun.”

The same time, akala ko , WWE (World Wrestling Entertainment) langang nagpo-produce ng ganun, hindi pala, yung iba, independent lang. Sikat lang ang WWE, biruin mo naman, bilyun-bilyon ang kinikita nila buwan-buwan, PPV events, merchandising, advertising, at kung anu-ano pa. Kunsabagay, may pinapatunayan naman eh. Yun ay kapanahunan pa ni The Rock, at yung mga retirado nalang ngayon. “The Attitude Era”, at “The Invasion” kung tatawagin. Andun na ssina John Cena, Rey Mysterio, Undertaker, Batista, at D’ Generation X sa eksena nun.

Noon lang yun.

Nasaliksik ko dati sa internet kung ano pa yung ibang mga promosyon ng Pro-Wrestling. Isa sa mga nakita ko angTotal Nonstop Action (TNA),na WWE-style din, pero may discrepancy naman. Maliitang arena, konti lang yung fans na kakasya, halatadong medyo gipit din yung may-ari, pero parang sila na yata ang nagpasikat sa paggamit ng six-sided na wrestling ring, oo, hexagonal nga, kumpara sa mga ordinaryong ring na hindi nalalayo sa ring ng boksing.

Maganda rin yung mga spots, kung tutuusin, maliit yung venue pero swak naman sa kuha ng camera, hindi OA. Isa sa mga napanood ko nun ay si Jeff Hardy, na isa rin sa magagaling na high-flying wrestlers na kayang ibuwis ang buhay, makatalon lang sa ibabaw ng kulungan, hagdanan, madale lang ang kalaban. (Take note, bago sya umapak ng TNA, nag WWF din sya, nag WWE, at ngayon kasalukuyan syang nasa TNA parin. Halatadong nabwisit narin sa kabaduyan ng WWE sa paglipas ng panahon.), natuklasan ko rin na ang mga wrestlers din nila, nanggaling din sa WWE—nandun narin si Kurt Angle, Hulk Hogan, Sabu, at ang bagong lipat na si Chavo Guerrero. The rest? Galing nasa ibang promosyon. Sila ang magandang panoorin kapag may away.

Pero sa paglipas ng panahon, natutulad narin ang TNA sa WWE, panoorin mo sa YouTube o tumungo ka sa site nila, (TNAWrestling.com), malalaman mo kung bakit. 

Isa sa mga ineksperimento ko nung panoorin sa mga sites eh yung ‘hardcore-themed,’ yung tipong duguan, pero iba na yung ginagawa, suinusunog, hinahampas ng fluorescent lamp, kinakaskas yung mukha sa pangkuskos ng keso (sensya na, nakalimutan ko yung tawag dun eh.), o kaya yung mga duguan, ibabalibag sa papag na may asin, at etong malupet, yung lubid ng ring nila, barbed wire. Pero ligtas naman yung referee, hindi sila pupwedeng saktan o abusuhin.

Combat Zone Wrestling (CZW), IWA-Mid South, Japan Pro Wrestling, ilan lang sa mga examples ng mga ganyang klaseng di ordinaryong labanan, nagpapatunay na may tatalo pa pala sa Extreme Championship Wrestling (ECW),  nawala narin ngayon dahil siguro sa pagkalugi.  Ngunit kung ang trip mo any mga chicks na gusto mong makasama sa habang buhay maghanap ka sa Women’s Extreme Wrestling (WEW),pero pag nakapagpakasal ka sa isa sa kanila, wag kang magkakamali, kung ayaw mong mangyari sayo yung mga nangyayari sa kanila—na nakikita mo sa mga laban nila.


Umuusbong nga talaga ang industriyang ito, a different fusion of sports and entertainment, na hinaluan ng shock value at gimmicks. Pero sa tagal na panahong pagkahilig sa panonood sa kanila, halos alam ko na yung sistema nila (kung pano nila mina-manipulate ang ganito, ganyan, etc.) At sakabilang mga yun, may mga kuro-kuro parin na naiisip ko nalang bigla, tulad ng mga ito:



·         Bakit karamihan sa kanila, underwear lang ang suot?—Ewan, pero ikaw ba naman, makipaglaban sa loob ng mahabang oras, di ka maiinitan? Hindi naman dapat yan ang tanong eh, ang tanong dapat, bakit yung iba, balut na balot kahit mainit?

·         Bakit yung iba kung anu-ano pa ang ginagawa, aatake na nga lang sa kalaban? —kaya sila naiilagan eh, pumapalya yung moves nila dahil sa kagaguhan din nila. Tapos yung iba nagagalit sa mga fans o kaya dun sa mga referee, eh sila rin naman ang may kasalanan, rugrat.

·         Bakit yung mga babae, parang mas malakas pa kesa sa mga lalaking wrestlers? —hindi sa mahal ko ang mga babae ah, iba yun. Ang mga babae kasi, maghalo man ng gimik, sa laban nila, konti lang, pinapatunayan nilang “focus lang dapat sa laban”, yung mga lalaki eh kung anu-anong kabaduyan ang ginagawa, mas maarte pa kesa kay Justin Bieber, wala naman sila sa gay wrestling.

·         Bakit ang hilig nilang magbungangaan? — For match stipulations? Okay, pero hindi ba pwedeng sa laban nalang magkaalamanan? Kasi sa totoo lang, hindi lahat ng manonood eh nage-enjoy sa pakikinig ng mga patutsadahan nilang wala namang katuturan at walang patututunguhan.

·         Bakit may mga nanghihimasok sa laban ng may laban?—Disqualification, ika nga. Sino bang maaliw sa isang taong nakikisali sa labang hindi naman sya involved? Papansin lang? Nakakatawa. Palibhasa, walang trabaho.

·         Bakit yung iba naglalabing-labing pa sa harap ng kamera? —MTRCB, hindi ito maganda sa mga 18 pababang mga edad, naglalampungan sa harap ng milyun-milyong mga manonood …ano ‘to, Myrtle at Yves, PBB Teens?

Kasabay ng daloy ng panahon, ang pagbabago ng hilig ng mga tao, iba-iba man ang larangan, pero sana yung mga suhestyon kong iba eh mapagtuusan din ng pansin,  pero kung hindi, ok lang.  Sa paglipas ng bawat araw,,nare-realize ko na sa likod ng pagkahilig sa mga ganito, ang Professional Wrestling din pala nababahiran ng kabaduyan, ‘ano?




Lunes, Hulyo 30, 2012

Soundtracks of my life...




(Written July 31, 2012)

Everyday, life is talking about ups and downs, rise and falls, and many struggles. But on the other side there are things created to make people assembles their walks of life in rhythms. That’s why music was invented by the emotions, expression and art.

Aside from the song of Confessional Serenade and The Disciples, nobody has the guts to say that there are musicians who don’t have any influences on their works. Anyway, these are 10 songs from my playlist which imbued my life with pointy lyricism, and excellent musicianship—from influential musicians, in many ways, shaped the person and musician I am today.


1.     Emily (Paraluman)
                         An emo-driven song, which was the theme song when the girl I love, broke my vulnerable      heart. EMILY stand for Every Moment I Love You, tsamba.

2.     Labing-Isa” (Farrington Heights)
                         A song for the downed, and failed, over and over again. This piece proves that independent music scene can make a mark for its own.

3.     Parusa(Cheese)
                         Daring acts of blasphemy? This is what Carlos Celdran truly means.

4.     Regal(Spongecola)
                         Perfect serenade.

5.     Evidence(Urbandub)
                          Chilly rhythms, savvy basslines courtesy of Lalay Lim, and aggressive lyrics courtesy of chief songwriter Gabby Alipe was one of the best Urbandub song I’ve ever heard.

6.     Sobrang Init(Kamikazee)
                           The screaming vocals makes me dance abnormally during summer season.

7.     Starlight”  (Muse)
                          Dancey basslines welcomes you as the song opens, better than the song “Supermassive Black Hole”.

8.     Gabay(Callalily)
                           This pogi rock proves that they can do more in the pop rock scene than just having pretty face.

9.     Pigface(Greyhoundz)
                           The Fab 4’s best of their best, Baw! Hu-hupaw! Hu-hupaw!—misinterpretedby some folk noirs, Baw! Cu-cubao! Cu-Cubao!

10.  Diveler(Wilabaliw)
                           Look at how Ian Tayao dances and backflipped as the band performs this song, you’ll exactly understand why.

11.  Gusto Ko Ng Baboy(The Radioactive Sago Project)
                           The reason why I always told to myself, “ayoko na ng baboy..!”

12.  Huling Sayaw(Kamikazee)
                           Self-explanatory.                                                                                                                                         

.  13.Define” (Hilera)
                          punk..? garage? college rock? you're wrong. 2-0.

Porno Creep



(Written July 30, 2012)

No, it’s not about the song by the nu-metal band Korn.

Technology is such a great gift for this world. From doing many tasks easily, time-saving, otherwise, improves efficiency. With this, people uses the appliances to do their things without wasting too much time and effort, there’s telephone and cellular phones for communication. With technology, life has been made easier.
But of course behind these good’s, there’s bad.

From the terms such as Tommy’s Thumbmarks, Just  Over Eighteen, Barely Legal, Virtual Date, 800 Fantasy Lane, Debbie Does Dallas, Manhunters, Tarzan X, to the locally to name a few of them, haven’t yet failed to give a reason why conversations turn into a elicit, conspiratorial, and lascivious gestures and acts. And even commercials showing women in naked glory serves as sources of a young boy’s carnal appetite. Thus giving to fresh, new meaning of the words ‘seduction’ and ‘fantasy’.

From movies to magazines to CD and DVD packages,(With the emergence of interactive DVD’s, viewers can dictate and manipulate the pace of the sexual process with the use of remote control. Adding menus for selection of virtual stars.) From your computer’s internet browser and media player into your cellphone, that’s how pournalism (better term rather than pornography itself) spreads worldwide, entertaining humans, mostly men, showing women in bikinis and school uniforms teasing with their D-cup breasts and can perform sexual satisfaction thru contact with the viewers. In adults and middle aged-teens, okay I’ll consider you guys. But for the children? Look, with this generation, where a 9-year-old boy knows how to perform sexual onslaught by seeing images shaped by pornstars—which is now considered as key to pleasing men, now think of what I’ve said before.

United States and also Japan are some of the countries which considers pornography and pre-marital sex legal. Adult Video (AV) industry, as what they call it is, a high-gross business for them, mostly Japan  (independently), so stars as Sola Aoi, Suzuka Ishikawa, and widely-known Maria Ozawa, can be called as  ‘bodies of money’, while in America, Adam and Eve is one of the highest-selling porn-movie producers—mostly online, selling copies of films stars Alexis Ford, whilst Rocco Siffredi, are known for having intercourse for making love with over 8 girls—simultaneously. Some of the stars are so whimsical, demonstrating ‘techniques’ to making a girl scream during an intercourse, Shawna Lenee is an example of this.

Tastes in pornalism shifted as time goes by, as variations exceeds. From the multi-angle P.O.V., to creampie, to the gauntlet bukkake, to cosplay sex—implementing pornalism today, known due to its subgenres. With this, anyone can direct a ‘scandal’, examples? Celebrity couple dancing in front of a hidden camera, later criticized by the whole society, or  even naked seniors in a shower.

I’m not a prude, and haven’t got yet involved into any debates and arguments about this extensive paranoia. But we begin to questioning everyone, what the heck is this society has, tolerance over 18-year old beautiful and cute girls having sex with crocodiles? How about their consequences? The danger? Is a naked woman tease-dancing to his ‘customers’ differs from a 12-year-old moron masturbating while watching Deep Throat?

But as we believe, there are punishments and consequences which immoral young ones have never been learned. One morning, a news TV network reports a Brazilian was found dead at his house, investigated that masturbating over 45 times, led him to the gates of death.

My favorite writer Lourd De Veyra stated, “ang tunay na lalaki, syempre, mahilig din sa tsiks, mahilig din sa sex.” He has the point to say it, but let us not forget that moderation and control is always there.

That Saturday morning between 7 a.m., I’m having a date with my girlfriend, were eating at a chain somewhere in Novaliches. She gave me the permission to use her laptop. I opened a new browsing window, checks her browsing history is already ‘memory full’.  I was shocked seeing porn sites on her web history. I grinned then wondered, “Isn’t that weird seeing my girlfriend enjoys watchingVirtual Date with Jessica Kizaki…alone?”. I thought she was ashamed of being found out so bringing out the topic in a private and subtly way is best.Without hesitation, I asked her honestly, and she answered me, honestly, She forgot to erase it, last time she opened it. So I told her, “It’s not that bad to watch these kinds of movies as we’re middle-aged, but don’t make it a habit and a sexual desire, you’re not a harlot.” She followed my advice, but we never watched it nor imitated ittogether.

However, trust, honesty and good communication is the key to a long-lasting relationship.