Sabado, Agosto 11, 2012

Professional wrestling: Over-sellout



(Written August 2, 2012)



Bata palang ako nung unang makanuod ng isang wrestling match, mid-2004 pa, grade 4 lang ako. Pagkakatanda ko pa nun, sa RPN ko pa yun pinapanood, may 5 o 6 pm, meron din namang 7 o 10 pm. At dahil di pa familiar sakin ang mga ganung palabas, medyo naengganyo narin akong manuod, sa TV man o sa DVD.. “Eh pugo, mas enjoyable pala ito kesa sa boxing eh.”

Unang match na napanuod ko nun ay nung nagaway sina Undertaker at Heidenreich sa isang episode ng WWE Smackdown!, kung saan duon ko unang nakitang ginawa nya yung pamatay nyang finisher, ang Tombstone Piledriver. Sumunod nun ay ipinalabas ang Royal Rumble (2004 yata yun, nakalimutan ko narin), kung saan first time ko rin makakita ng duguang labanan—hardcore, ika nga nila. Triple H vs. Randy Orton, gagamitin sana ni HHH yung martilyong ihahampas sa duguang si Orton, pero bumaliktad, sya ang nahampas. Duguan? Putik, eh di dapat patay na yung mga gumagawa ng ganyan. Ba’t di pinagbabawal ang ganitong klaseng isport sa telebisyon?
Dun ko nalaman na professionally-trained sila—na lagi nilang pinapaalala sa mga panahong ito. Kumakain sila ng ilang tao para hasain yung mga gawa nila, trabaho narin, kung tutuusin, madugong trabaho. Nabasa ko sa isang men’s magazine, “Yung mga wrestling na napapanuod sa TV, scripted yun. Alam na nila kung sino yung mananalo pati yung gagawin ng mga tao dun.”

The same time, akala ko , WWE (World Wrestling Entertainment) langang nagpo-produce ng ganun, hindi pala, yung iba, independent lang. Sikat lang ang WWE, biruin mo naman, bilyun-bilyon ang kinikita nila buwan-buwan, PPV events, merchandising, advertising, at kung anu-ano pa. Kunsabagay, may pinapatunayan naman eh. Yun ay kapanahunan pa ni The Rock, at yung mga retirado nalang ngayon. “The Attitude Era”, at “The Invasion” kung tatawagin. Andun na ssina John Cena, Rey Mysterio, Undertaker, Batista, at D’ Generation X sa eksena nun.

Noon lang yun.

Nasaliksik ko dati sa internet kung ano pa yung ibang mga promosyon ng Pro-Wrestling. Isa sa mga nakita ko angTotal Nonstop Action (TNA),na WWE-style din, pero may discrepancy naman. Maliitang arena, konti lang yung fans na kakasya, halatadong medyo gipit din yung may-ari, pero parang sila na yata ang nagpasikat sa paggamit ng six-sided na wrestling ring, oo, hexagonal nga, kumpara sa mga ordinaryong ring na hindi nalalayo sa ring ng boksing.

Maganda rin yung mga spots, kung tutuusin, maliit yung venue pero swak naman sa kuha ng camera, hindi OA. Isa sa mga napanood ko nun ay si Jeff Hardy, na isa rin sa magagaling na high-flying wrestlers na kayang ibuwis ang buhay, makatalon lang sa ibabaw ng kulungan, hagdanan, madale lang ang kalaban. (Take note, bago sya umapak ng TNA, nag WWF din sya, nag WWE, at ngayon kasalukuyan syang nasa TNA parin. Halatadong nabwisit narin sa kabaduyan ng WWE sa paglipas ng panahon.), natuklasan ko rin na ang mga wrestlers din nila, nanggaling din sa WWE—nandun narin si Kurt Angle, Hulk Hogan, Sabu, at ang bagong lipat na si Chavo Guerrero. The rest? Galing nasa ibang promosyon. Sila ang magandang panoorin kapag may away.

Pero sa paglipas ng panahon, natutulad narin ang TNA sa WWE, panoorin mo sa YouTube o tumungo ka sa site nila, (TNAWrestling.com), malalaman mo kung bakit. 

Isa sa mga ineksperimento ko nung panoorin sa mga sites eh yung ‘hardcore-themed,’ yung tipong duguan, pero iba na yung ginagawa, suinusunog, hinahampas ng fluorescent lamp, kinakaskas yung mukha sa pangkuskos ng keso (sensya na, nakalimutan ko yung tawag dun eh.), o kaya yung mga duguan, ibabalibag sa papag na may asin, at etong malupet, yung lubid ng ring nila, barbed wire. Pero ligtas naman yung referee, hindi sila pupwedeng saktan o abusuhin.

Combat Zone Wrestling (CZW), IWA-Mid South, Japan Pro Wrestling, ilan lang sa mga examples ng mga ganyang klaseng di ordinaryong labanan, nagpapatunay na may tatalo pa pala sa Extreme Championship Wrestling (ECW),  nawala narin ngayon dahil siguro sa pagkalugi.  Ngunit kung ang trip mo any mga chicks na gusto mong makasama sa habang buhay maghanap ka sa Women’s Extreme Wrestling (WEW),pero pag nakapagpakasal ka sa isa sa kanila, wag kang magkakamali, kung ayaw mong mangyari sayo yung mga nangyayari sa kanila—na nakikita mo sa mga laban nila.


Umuusbong nga talaga ang industriyang ito, a different fusion of sports and entertainment, na hinaluan ng shock value at gimmicks. Pero sa tagal na panahong pagkahilig sa panonood sa kanila, halos alam ko na yung sistema nila (kung pano nila mina-manipulate ang ganito, ganyan, etc.) At sakabilang mga yun, may mga kuro-kuro parin na naiisip ko nalang bigla, tulad ng mga ito:



·         Bakit karamihan sa kanila, underwear lang ang suot?—Ewan, pero ikaw ba naman, makipaglaban sa loob ng mahabang oras, di ka maiinitan? Hindi naman dapat yan ang tanong eh, ang tanong dapat, bakit yung iba, balut na balot kahit mainit?

·         Bakit yung iba kung anu-ano pa ang ginagawa, aatake na nga lang sa kalaban? —kaya sila naiilagan eh, pumapalya yung moves nila dahil sa kagaguhan din nila. Tapos yung iba nagagalit sa mga fans o kaya dun sa mga referee, eh sila rin naman ang may kasalanan, rugrat.

·         Bakit yung mga babae, parang mas malakas pa kesa sa mga lalaking wrestlers? —hindi sa mahal ko ang mga babae ah, iba yun. Ang mga babae kasi, maghalo man ng gimik, sa laban nila, konti lang, pinapatunayan nilang “focus lang dapat sa laban”, yung mga lalaki eh kung anu-anong kabaduyan ang ginagawa, mas maarte pa kesa kay Justin Bieber, wala naman sila sa gay wrestling.

·         Bakit ang hilig nilang magbungangaan? — For match stipulations? Okay, pero hindi ba pwedeng sa laban nalang magkaalamanan? Kasi sa totoo lang, hindi lahat ng manonood eh nage-enjoy sa pakikinig ng mga patutsadahan nilang wala namang katuturan at walang patututunguhan.

·         Bakit may mga nanghihimasok sa laban ng may laban?—Disqualification, ika nga. Sino bang maaliw sa isang taong nakikisali sa labang hindi naman sya involved? Papansin lang? Nakakatawa. Palibhasa, walang trabaho.

·         Bakit yung iba naglalabing-labing pa sa harap ng kamera? —MTRCB, hindi ito maganda sa mga 18 pababang mga edad, naglalampungan sa harap ng milyun-milyong mga manonood …ano ‘to, Myrtle at Yves, PBB Teens?

Kasabay ng daloy ng panahon, ang pagbabago ng hilig ng mga tao, iba-iba man ang larangan, pero sana yung mga suhestyon kong iba eh mapagtuusan din ng pansin,  pero kung hindi, ok lang.  Sa paglipas ng bawat araw,,nare-realize ko na sa likod ng pagkahilig sa mga ganito, ang Professional Wrestling din pala nababahiran ng kabaduyan, ‘ano?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento