(Written August 14, 2012)
Ilang araw ang lumipas, nang manguna sa mga balita sa mga lokal na pahayagan,
telebisyon, at radyo ang panibagong delubyo sa bansa natin. Mula sa bagyong Gener Helen, at di-na pangalanang bagyo na dumaan lang sa bansa natin dulot ng malakas na
hanging habagat, na kung saan, yun pa yung pinakamalakas na bagyong halos
tumalo kayOndoy. Nakakatawa nga eh, dahil hindi naman talaga sya bagyo, pero kung makaasta,
nagpapaka. Panggap.
Kasabay nun ay pagsuspindi sa mga iilang government at
non-government employees, at sa lahat ng mga klase sa bawat kanto ng Pilipinas,
pampubliko man o pribado. (Pero nakakairita rin dahil yung eskwelahan namin, hindi
man lang nagawang magpaanunsyo sa telebisyon o radyo, puro lang sila Facebook at
text, pano naman yung iba? Kung wala silang cellphone, o walang telepono o kaya’y di
nakapagbukas ng Facebook account nila eh di pa nila malalaman na wala palang klase? Mga abnoy.
)
Grabeng baha, na nagmistulang dagat, nahihigit pa
sa pinakamalawak na dagat sa balat ng Guinness Book of World Records. Kaya
pinayuhan narin ang karamihan na manatili nalang sa kani-kanilang mga tahanan, at wag
munang pumunta sa kung saan-saan. Nakita ko ang grabeng baha sa tapat ng STI sa may
Ortigas, halos abot singit na yung lebel ng tubig, paghindi pa ito humupa,
makikita ko ang mga tao, walking down “under the sea”. At kahit sabihin ng mga taga-ibang bansa
esp. London na olats tayo sa 2012 Olympics, isa lang ang masasabi ko, “Filipinos were raised with great swimmers”.
Nagkandaugaga si PNoy at mga ahensyang tulad ng PAGASA, DepEd
(wala na ang CHED, ipinatanggal ko na dahil parang wala namang kumikilos, mas mabagal pa
kaysa sa pagong--loko lang.), DPWH, at iba pa upang matugunan ang iba pang napinsalaan,
mga dapatayusin, at mga dapat tulungan. Kahit pa ang mga artista eh
hindi rin nagpahuli, isa na dito si Angel Locsin,
na hindi talaga pupwedeng hindi tutulong sa mga nasalanta ng bagyo, natatandaan ko nun
nang ipa- online auction nya ang mga mamahallin nyang bags at accessories parai-fund
sa mga nasalanta ng bagyo,hindi tulad sa iba dyan na madasalin nga, nagawa bang
tumulong sa kapwa? at etong mas gusto ko, hindi sya papayag kung
hindi sya ang magaabot ng tulong sa mga nawalan. A true angel inside and out. Swerte ni
Phil Younghusband. Ang longest-running
noontime variety show na Eat Bulaga!, inubos nalang ang buong episode
ng isang araw para mag-impake ng mga relief goods sa mga nangangailangan.
Iba ang pinoy pag nagkapitan. The rest? PR na lang yan.
Sino ang may kasalanan?
Diyosba? Kapaligiran?
O yung mga kalamidad mismo na tayo rin ang may gawa?
Tayo.
Yan angkatotohanan. Kung susumahin, hindi ako environmentalist,
pero halos kalbo na ang kagubatan sa mga puno na hindi naman pinalitan pagkaputol,
hindi masamaang logging, pero kung hindi mo naman tataniman ng pamalit,
sino ang hihigop sa baha kapag tumaas ito? Sino ang hihigop ng maruming hangin? Ikaw ? Hindi
ka si Rico J. Puno, dre.
Mga basurang kung saan-saan lang tinatapon? Teka, para sa’n pa
ang mga basurero’t kung saan lang itinatambak yung mga basura? Maski ang mga landfills
hindi narin napapansin. Pero sa kabila ng lahat, andyan parin ang mga junkshops
para isalba ang mga basurang may silbi pa, “may pera sa basura”, ika nga nila.
Tutal nabanggit ko narin yung hangin, susulitin ko na’to.
Sa pagbuga ng maitim na usok mula sa mga punyetang pabrikang di
man lang magawang i-upgrade ang sistema nila, sa mga bus
na bulok na ang pintura sa kalawang na dinagdagan pa ng nanlalambot na gulong, at
sa mga bungangang mga naninigarilyong nambubuga pa sa ibangtao, mas malala kung
amoy imburnal pa yung hininga.
At
iilang mga ahensyang pulitiko nanamamatay na ang mga kababayan nya ,
wala syang iniintindi kundi ang pagtakbo nya sa 2013 elections, na ngayon ay
hindi parin alam ang tunay na kahulugan ng salitang “pagtulong”. Hindi
na kita iboboto uli.
Sa mga ganitong sitwasyon,
mararamdaman mo talaga ang espiritu ng pagtutulungan ng mga Pilipino.
Sa gitna ng kalsadang nagmistulang dagat, nagawa parin nilang magbasketbol at
magswimming kasama ang mga foreigners na enjoy na enjoy din naman. Ito
ang tunay na ibig sabihin ng tagline na “it’s more fun in the Philippines”, hupaw. Sa gitna ng kalamidad hindi parin natin nakakalimutan ang ngumiti
at sabihing “di mo kaya yan nang magisa, tutulungan kita.”
(Itutuloy..)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento