Biyernes, Agosto 24, 2012

Orihinal na Pilipinong Myusikero



(Written July 26, 2012)


“Madaming musikero sa Pilipinas ang magagaling, ang problema, hindi sila gaanong napapansin.”

Martes, ika-8 ng umaga,nagre-relax ako kasabay ang paghigop sa mainit kong kape (ala-una pa kasi ang klase ko kaya walang masyadong pagmamadali), natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa harap ng aming lumang karaoke system, nakikinig sa di ko alam na istasyon.

Narinig ko na lang ang isang kanta na pumukaw sa atensyon ng aking mga tenga, “Ito na ang ating huling sandali, hindi na tayo magkakamali, kasi wala nang bukas, sulitin natin, ito na ang wakas, kailangan na yata nating umuwi...”, ilan sa mga lyrics ng kantang “Huling Sayaw” ng Kamikazee (kasama ang RNB princess na si Kyla)—isa sa mga impluwensyal na bandang pinoy ngayon. Naisip ko, ‘hupaw, ang galing parin ng musikang pinoy”.

Bata pa lang ako, hilig ko na ang makinig sa musika, naasar pa nga ako nun pag may naririnig akong English nakanta—foreign man o local pa rin. Kahit ngayon, isa ako sa mga nangangarap na musikerong marinig at mapakinggan, at nang masuportahan naman ng Dispulo at Confessional Serenade ang industriya ng OPM, in short for Original Pilipino Music (pero yung iba Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, pero ang tawag ng mga kaibigan ko mula dito sa Tower of Doom, Original Pilipino Metal). Pero iba man ang trip, nagkakaisa ang mga pinoy pagdating na sa tugtugan, kaya nga maraming kanta tayong maririnig na collaborations. At syempre, di rin natin dapat kalimutan ang mga kanta nung araw, tuladng heartbreaking vibrato na “Sabik ako sayo…”

Nakakalungkot mang sabihin pero ang musika natin ay kasalukuyang humihingi ng saklolo sa purgatoryo, dahil sa mga kanta ni Gayber, Lady Gaga, at No Direction? Ewan. Hindi ko sinasabing wag suportahan ang musikang banyaga, pero wag rin naman sanang kalimutan na maraming magagaling na talento dito sa Pilipinas—at kung magpe-perform man sila, performance talaga, hindi yung parang tanga lang sa suot nyang polyester na damit—balut na balot kahit mainit
.
Pero bakit nga ba malakas ang dating ng mga gawa nila kumpara sa’tin? Dahil ba maganda at pogi?Dahil magaling manamit? O baka naman tayo ang may problema. Pano naman kasi, hindi rin natin masisisi ang mga tao kung madali sila maurat sa mga kanta na puro lang nirevive, cover as widely known, at ang malupit, galing pa mismo sa mga foreign artists. Fashion? Expressive musicianship?  Poetic lyrics? Magaling naman tayo dyan eh… Oo, mahirap sumulat at gumawa ng kanta, pero kaya nga nagtutulungan, ‘diba? 

Ayokong isiping bulag lang siguro ang mga tao. Mas gugustuhin ko pang making sa kantang “Lumang Simbahan” ni Larry Miranda kesa ngayon na nadadaan sa bola ng PR at punyetang text votes na yan, oo nga naman—hindi kayang tyempuhin ng mga kantang One Direction at mga K-Pop ang babaeng laging sinasaktan ng asawa nya, o kaya taong nawawalan na ng pagasa dahil sa sabay-sabay na daloy ng problema, o kaya ang delubyong nangyayari sa ating kapaligiran ngayon.

 “Hindi na natin maitatangging palugi na yung mga labels ngayon kaya hindi na sila nagte-take ng risk para sa artist o bandang gagawa ng album”, pahayag ni Melvin Macatiag, kung kilala nyo siya, hindi ko na sasabihin pa kung sino sya. Tumpak. Isa sa mga dahilan ng pagkalugi ng musika natin ay ang pamimirata, kaya dahil sa kakapusan sa suporta, pinipili nung ibang maging independent na lang.”Being an independent artist is hard enough; we’ve almost done that before, mahirap”, malupit pa nyang dagdag. Pero kung tutuusin, mageksperimento ka, pumunta ka sa isang branch ng Odyssey, Astrovision o AstroPlus sa kahit saang branch ng SM Malls, pag tiningnan mo yung mga presyo ng mga albums, wag kanang magtaka kung bakit madami ang gumugustong mag-download nalang sa internet, i-burn sa CD, at ibenta sa halagang P50,P35, o P100 (pag DVD). Kaya sino naman ang musikerong hindi kukulo ang dugo diba? Pero kung sakali mang ibenta man nila yun sa abot-kayang presyo, Sulit din, baka mas mataas pa ang sales ng bumili at mabawi ang malaking gastos sa production budget. Bawi rin kahit sabihing mas malaki yung ginastusan sa paggawa kesa dun sa presyo.

Naiisip ko rin minsan, pa’no kaya kung sama-sama lahat ng musika sa industriya, walang “independent”, “underground”, at ang masang-masang “mainstream”, sa daloy ng impluwensya ng mga imported, marami ang humihina sa pagpapalakas ng OPM—isa sa mga halatang dahilan kung bakit umalis si Cynthia Alexander patungong ibang bansa., for the good daw, pero ang masakit na katotohanan sa isang musikerang gaya nya? It’s a big NO.

Ilang taon narin ang lumipas mula nang magpaalam ang isang istasyon sa radyo,ang NU 107, “the home of NU Rock”, sabihin man nila ang dahilan o hindi, OPM doom lang din ang dahilan..’Controversial’ man daw at ’masyadong sell-out’ sabihin ng iba, matagal narin ang 23 years, naabutan pa yata yun ng pinakagusto kong istasyon, ang UR 105.9, kung saan ang mga independent, at underground artists ang naghahari, ayus. Pero nung nawala sila, madami nanamang mga musikerong magsisikap nai-promote ang mga sarili nila kahit alam nilang hindi madali.

Ilang araw ang lumipas matapos ganapin ang kauna-unahang Philippine Popular Music Festival, na pinangunahan ng beteranong kompsitor at tinaguriang “Beethoven of the Philippines”, si Maestro Ryan Cayabyab, kasama ang iba pang magagaling sa larangan ng musikang Pilipino. Mahigit 3,000 piyesa ang pinagaralan, pero 14 lang ang pinalad na umabot sa finals. (Sayang, may dalawang entry ako, kaso di ko na-submit dahil sa ilang problema), Kahit nainiintriga ang ilan sa kanila matapos ang kompetisyon, Congratulations parin sa kanila, kasabay nun ang paghiling na ang lahat ng mga kanta nila ay mabigyang-pansin, at tumatak sa mga playlist ng marami, na pinapatugtog sa mga radyo, pinapanood sa YouTube bilang soundtrip, dina-download sa iTunes, at kinakanta saan man patungo.

Hindi masamang sumuporta ng mga banyagang impluwensya, tutal musika rin naman yun eh. Pero wag din naman sana nating kalimutan ang sariling atin, at dun sa iba na puro porma lang, kung musika, musika lang, wala nang halong kagaguhan… Hindi nyo na kailangang magsuot ng ekstraordinaryong damit para punain at i-ban ng mga tao at debotong simbahan para magconcert dito sa Pilipinas, hindi mo na kailangang mag-girlfriend ng marami, at ma-isyung may naanakan ka, hindi mo narin kailangang magpa-pogi sa mga gigs para lang tilian ng mga chicks, hindi mo na rin kailangang ipamahagi ang merchandise na ikaw rin mismo ang gumawa kung aangkinin lang ng isang istasyon gayong wala naman silang kontribusyon sa pagod at effort mo. At higit sa lahat, hindi ka na kailangang kumain ng bubog para lang magkademo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento