Lunes, Enero 19, 2015

Time and Faith





(Image courtesy of When in Manila’s Facebook page)

************************************************

Anything’s possible, as long as there’s time and faith.

That was the only thing came to my mind as Filipinos welcomed Pope Francis upon his arrival in Manila last Thursday (January 15th), as the plane arrived at the Villamor Air Base at exactly 5:33 p.m. Yep, he just arrived from a successful visit from Sri Lanka.  He smiled as he looked out the plane’s window, hearing voices of screaming “Welcome Pope Francis”, the same time President Aquino led in welcoming him (bowing like he’s about to kiss the pope’s hand but it looked like it was declined), frenzied chants by hundreds of thousands of people following the route of the ‘pope mobile’ to the Apostolic Nunciature for him to take a rest from his previous trip. His five-day visit here in the Philippines had just begun, to spread light, peace, love and of course, mercy and compassion through mass ceremonies (also celebrated annual occasions such as the World Youth Day, The Meeting of Families and Sinulog Festival) held at different locations—from Manila Cathedral, to University of Santo Tomas to the Quirino Grandstand.

Unlike everyone else, I don’t have many expectations on the aforementioned Papal visit here except for the “main purposes” that are: 1. for the poor, the children and the women; 2. to pray over victims of multiple calamities that brought us instant devastation; 3. for the sick—sick of the diseases and disasters caused by ourselves. Despite that, I’m still having regrets that I haven’t taken a glimpse of him in person but thanks to televised media coverages that are worth it already, maybe.

Mike Enriquez said it very well, ‘this is more than just a blockbuster movie where everybody can’t seem to move on, talking about it over and over again.’ With what I’d observed at the visit, Pope Francis does not reject anyone but goes harmoniously with the society—no matter how religious or spiritual it may be. This is what nature of existence truly means.
In spite of this momentary pilgrimage, I can’t resist myself to withstand, but there are still “negative spaces” in this memorable visit.

Weather condition. Why did Typhoon Amang left the country the same time Pope Francis were about to leave? Did the weather really challenge our spirit, literally?

PNoy and his comrades. Will they stop fooling people while stealing the government’s wealth, aggravated by violence and intimidation? Aquino took the moment to criticize the country’s Catholic churches and bishops for their ‘inactions’ regarding sins of previous administration and the attacks to the current. I understand the president’s feelings as the country leader but to point at it, literally, what ‘inactions’ does he have to imply? The controversial RH Bill law? The equal rights of LGBT community? Carlos Celdran’s “Damaso” act? Total banning of Lady Gaga here in the Philippines due to her “Judas” song? Make it clear, man.

The Youth.  No, not Dodong Cruz. Pope Francis left us a challenge— to do our roles, to serve better, not only for the country or the church, but for ourselves. So please, do not depend on television sets and stop reading Wattpad craps, for God’s sake.

Women’s rights. He said, “Women have much to tell us in today’s society. Sometimes, we are too ‘machista’ and we don’t allow room for the woman.” The “People’s Pope’ hoped that many women will give speeches during his mass ceremonies, too bad there are some issues with that. Equality. The women have many things to say; we are all equal in His eyes. I capitalized that to make sure.

●Children.  Thanks to Jun Chura and Glyzelle Palomar, who gave heartwarming (and also heartbreaking) speeches during a meeting with the youth at UST yesterday. Glyzelle left the pope a challenging question that everyone’s still looking for an answer: “Why does He allow children to suffer?” The pope replied: “The nucleus of your question… almost doesn’t have a reply. The heart of your question has no reply. Only when we too can cry about the things you said can we come close to answering that question. Why do children suffer so much? why do children suffer? When the heart is able to ask itself nd weep, then we can understand something. There is a worldly compassion which is useless.”

This is a very-well impression that Filipino spirit, no matter how tragic it is, cannot be broken. Cooperation (remember that communion part during a mass ceremony at Quirino Grandstand?), patience (long hours standing on locations near the route of the ‘pope mobile’.) I can’t describe the moment exactly but one thing to be assured of: Compassion, take a look at the Webster’s English Thesaurus for its synonyms. Maybe that helps.

Sad to say, it is just a five-day visit and all good things have its limits, the same day I’m writing this. But like the way he speaks, I wrote it from the heart. Here are the lessons I learned (and everybody should have) not because Pope Francis said it, but for the sake of peace, love, light, mercy and compassion. There are lots of words of wisdom by the pope himself if you’ll ask me but for now, I’ll give you some.

●”You help, but do you allow yourself to receive? Teach yourself to receive with humility.”- Contrary to the old-school saying “it is better to give than to receive.” Life is full of give and takes. But when you receive, make sure it is meaningful.

●”We only see thru eyes that are cleansed with our fears.”- do not be frightened of crying. Everyone has the right to make mistakes and learn from it. Nobody’s perfect. If you aren’t, you’re not worth living.

”Empty your pockets but come with very full hearts.”-  Even you’re the richest or wealthiest person in the universe; there are things that can’t be bought by money. And I say this with my integrity intact.

”Reality is superior to ideas.”- let me quote Lourd de Veyra for this: “It means actual physical contact with the world, smelling the breeze from the park of the mountain you have just scaled.” Inferior work absolutely makes no sense at all.

”We are overloaded with information. Is that bad? Not necessarily.”- There is a certain difference between information and knowledge. Maybe this is the disadvantage of the advanced technology. It became a problem of the society: many of them functions based on Facebook likes, twitter hashtags and favorites and so on and so forth. I’m not questioning the legal parameters of technology, but you begin to wonder if there’s really something wrong with a world where people became lazy and meaningless?

”Real love is about loving and letting yourself be loved.”- So don’t be bitter, be better. Like what Jose Manalo said, “Ang ampalaya inuulam, hindi inuugali.” Shut up, Marcelo Santos III.

”There is a challenge of integrity. There is a challenge to care for the environment and finally, for the poor.”- This must be the first teaching to all public servants, especially politicians.

”Do you think with the poor? You lack only one thing: to became a beggar. Learn to be evangelized by the poor, they have so much to offer. This will help you to mature in helping others.”- Hey, do I have to explain this for further understanding?

To be honest with you, I’m having a problem with the institution. I’ve read so many ‘religious’ writings, rituals, and whatever because of my curiosity. In the end, I realized it is useless. Religion won’t save you in time of need; all you have to do is pray and have faith. Person-to-person, but in a way. Don’t get me wrong, disciples. I respect all the opinions and beliefs (maybe this is what they call cultural differences.) I don’t have to record black metal songs (referring to Revelations), hold a placard inside the Manila Cathedral or singing and dancing while dressed up as a nun the same time wearing a tangga.

We don’t have to treat the pope as a celebrity. If we do, make sure God won’t be forgotten.

To Pope Francis, thank you for the love and light. For the mercy and compassion.

Papa Francisco, Viva IL Papa. □






(Written January 19, 2015, Monday, 9:55 p.m.) 

Linggo, Enero 11, 2015

Rock Rizal

Ngayon ay ang araw ng ika-118 na anibersaryo ni Rizal.

Hindi ko na kailangang ipabatid kung sino ba siya at ano ang nagawa niya para sa atin. Nakakahiya naman na mas alam pa ng batang nasa kindergarten si Rizal kaysa sa iyo; maski mga Pilipinong hindi nakapag-aral kilala siya. Nakakadurog ng pagka-Pilipino ang nangyayaring katotohanan na ang mga Pinoy, lalo na ang mga kabataan sa panahong ito ay mas kilala pa ang mga librong Wattpad kaysa sa mga nobela ni Rizal na dinadaanan nila sa eskuwelahan ng maraming beses.

Sumubaybay ako sa radyo,telebisyon, diyaryo, at internet para maki-usyoso sa nangyayaring okasyon ngayong araw. Ang resulta? Nakakalungkot, nakakatakot, nakakabobo. Teka, ano nga bang balitangayongaraw? Pangungulit kay Mayweather Jr. na labanan na si Pacquiao, ang nakakatawang resulta ng MMFF, kasalang Dingdong-Marian—mapapatalon ka sa pinakatuktok ng Nakba dahil sa pagkadismaya sa pinakaliteral na kahulugan.

May aaminin ako: late ko na ring nalaman ang halaga ni Rizal hindi lang bilang isang bayani o Pilipino, kundi bilang isang tao. Ikatlong taon ko na sa sekundaryang paaralan nang mamalayan ko ito. Hindi sa pagmamayabang ngunit masuwerte pa rin ako dahil na basa at nalaman ko ang mga akda niya. Siyempre hindi mawawala ang pinaka-kadalasang isinasagot ng madla na Noli Me Tangere (kung saan iniulat ko sa aking mga kamag-aral ang ika-pitong kabanata, ‘Ang Bisperas ng Pista’) at El Filibusterismo, na kung saan ay gumanap akong Pare Camorra, ngunit inasar lang na manyakis dahil sa napaka-over acting na gumanap na Huli.

Ang mga propesor ko na sina G. Wilfredo Tatad at Bb. April Joy Robenta ang hindi ko masasabing nag-impluwensiya sa akin ngunit mas nagpaintindi sa akin ng halaga ni Rizal at iba pang mga bayani sa Pilipinas, noon at ngayon. Dahil sa kanila, nag-iba ang interes ko. Sayang nga lang, inilipat na sila. Pero sana puwede pa silang bumalik.

Isa sa mga akda niyang may kurot sa aking damdamin ay ang Mi Ultimo Adios na isinulat niya noong ika-29 ng Disyembre, 1896. Hindi dahil sa pinakahuli, pinakamahaba o pinakamalalim, kundi pinakamalupit (tandaan: positibo na ang khulugan ng salitang ito.) Ito ang kanyang ‘last will and testament’ hindi para sa akin, sa iyo o sa kanila kundi sa ating lahat; kaya ang yaman natin sa kaalaman, may Rizal na nag-iwan sa atin ng kaalaman, katangian at karunungan na hindi mananakaw ng iba.

Siya rin ang pinaka-epektib na deskripsyon ng multi-tasking. Medyo nakakalito lang din minsan dahil sa kanyang pabagu-bagong interes sa gawain at trabaho. Ito yata ang nagbunga ng kaisipan ukol sa ‘paghahanap ng sarili’ at sa nangyari sa kanyang kapanahunan (na ngayon ay kasaysayan na), masasabi kong isa siya sa mga taong pumanaw na lang na hindi nakikilala at nalalaman ang ‘tunay nilang pagkatao’ at kung ano talaga ang nakapagpapasaya sa kanila sa pananatili sa malupit na mundo, pero walang masama dun.

Dun narin nagsimulang gustuhin kong  maging katulad niya (maliban sa hairstyle.) May magre-react diyan at yung iba, may impit pang tawanan. Eh ano naman? Si Rizal ‘yan. Dahil malalim ang kakayahan ng pag-iisip, ano namang masama dun? Punyeta kayo. Mahiya naman kayo sa taong namatay para palayain tayo at ang buong bayan.

Siya rin dapat ang mas tinitingala sa lebel ng kung anu-anong mga piksyunal na nilalang na tinatawag ninyong ‘extraordinaires’. Oo wala siyang kapangyarihan, pero ang tinta at papel na ginamit niya ang nagbulalas ng makapaminsalang mga salita na hindi aakalaing puwede rin pala gawin. Hindi ito matutumbasan ng kahit anong kapangyarihan ng mga anime characters na kino-cosplay lang ng kung sino-sino. Mas malakas ang pinsala nito: ang sugat, hilab, hapdi, o sakit nagagawan ng gamot at napapagaling ng gamot. Ang salita nagmamarka, mistulang libag na hindi matanggal sa katawan mo ano mang hilod ang gawin mo.

Noong hindi pa naimbento ang salitang ‘aktibismo’, masyadong bobo at maliliit ang tingin sa Pilipino, na ang kakapal ng mukhang lumaban sa baril, bomba at kanyon gamit lang ay libag. Ngunit sa tulong ni Rizal at ng kanyang kasamang mga bayani, nakasigaw ang tinikom na bibig. Lahat ng dumi’y nailabas, lahat ng baho’y nai-utot—kahit ang tirada ng mga dayuhan ay blow-by-blow, lumaban parin sila nang fire-by-fire.

At ano ang nangyari pagkatapos ng lahat?
Wala.

Mapapansin mong sa tuwing darating ang kanyang kaarawan, iilang mga tao nalang ang magpapahalaga nito.Nawala narin ang mga tribute documentaries na nagpapaalala sa atin sa ginawa niya sa ating bayan. Gayunpaman, marami pa ring mga reporter at journalist ang gagawa ng Man-on-The-Street na survey ukol sa pagkakakilala kay Rizal; marami ang makakasagot ng “hindi”, may mangilan-ngilang tutugon ng “nakalimutan ko na eh”, subalit ang mas  masakit sa lahat ay kung may tumugon ng “artista ba siya?” Nalilito na ba tayo? Wag naman sana.

Pero mag-ilusyon muna tayo saglit: paano kaya kung si Rizal ay nabubuhay pa? Paano kaya kung naabutan niya ang henerasyon ng mga “Millenials”, na kung saan ay maraming “foodie’ at “food blogger” (kunsabagay, alam naman nating matinik din si Rizal sa pagkain) kahit andaming nagugutom sa mundo? Magse-selfie at groupie shot kaya siya kasama ang mga tropa niya gayong hindi naman sila camwhore? Magbabasa kaya siya ng mga akdang bara-bara lang na ginawa kaysa sa The Moth and The Flame (Jose Rizal Centennial Commission, 1961) o The Wandering Jew ni Eugene Sue? Sasabihin niya rin kayang ‘walang forever’?

Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero mas astig pa si Rizal, hindi niya kailangan ang malalanding dalagita o libu-libong tagahanga. Mas astig pa siya kaysa kay… wag na nga. Habang buhay natin siyang pag-aaralan at hindi dapat iwaglit sa ating mga isipan, sabihin mang na-isyu ang kanyang spiritual beliefs at babaero siya. Sa madaling salita, parte na siya ng kasaysayan, na hindi mo matatakasan. Mas masarap pa ring magbalik-tanaw.

Hindi na kailangan ang dami ng likes, views, comments, shares, re-tweets o favorites upang matukoy ang papel niya sa ating lipunan. Hindi siya nagsulat, para lamang sumikat o magpasikat, kundi upang magpaalam na siya’y tao rin kagaya natin, na ang mga nagawa niya’y kaya at dapat din nating gawin.

Kaya ikaw Marcelo Santos III, tumahimik ka. □




(IsinulatsaganapnaMiyerkules, ika- 31 ng Disyembre, 2014, 12:15 ng umaga)

Linggo, Nobyembre 2, 2014

Soul in a Bottle: Ang Aking Punyetang Talambuhay

***************************************************

Naiinis ako pag pinapasulat kami sa klase ng talambuhay. Hindi naman galit pero wala naman kasing ‘highlights’ ang buhay ko. Para lang ‘yun sa mga artista, pulitiko, atleta, bayani, negosyante at mga kilalang personalidad. Mga prominenteng tao. Para lang ‘yun sa maraming naiambag sa lipunan, o kaya sa mga inaambagan ng lipunan.

Hindi ko rin alam bakit ito pinapagawa sa eskwelahan. Kaya siguro yung iba nagiging sabaw, yumayabang ng wala sa oras. Tumatanda nang paurong, ika nga ng tatay ko. Dumadami ang nagmamarunong na hindi rin naman nagtatanong, at hindi rin nakikinig. Siguro kasalanan din ito ng teknolohiya? Tamad na nga tayo, bumabaw pa ang mga pag-iisip natin. Pero masyado nang malawak ‘yun kung pagtataluhan pa natin.

Hamon din sa akin ang pagsulat ng sarili kong talambuhay dahil wala naman akong achievement sa buong buhay ko. Importante kasi ‘yun sa ganitong sulatin. ‘Para naman may katuturan’, sabi ng ilang mga mambabasa. Para naman may saysay ang karera mo sa mundong ito, ‘di ba? Awards, recognition, career achievements, mga ganun. Wala naman ako nun. kung meron man ay ‘yung nakapag-aral ako at dun nalang tumanda ng husto. Bukod dun? wala na. Hayaan na nga natin.

Magsimula tayo sa pag-aaral ko. 2001 (7 years old lang ako nun), una akong pumasok ng eskwelahan. Payatas A. Elementary School. Ayos naman. Medyo natatakot ng kontisa nagllistahan ng maiingay, at Math. Nag-aral, kumain, naglaro, nagka-crush, sinundo, na-bully, nag-enjoy—gawain ng isang ordinaryong bata. Wala namang masyadong problema bukod sa sundo, at Math parin. Ganun lang hanggang 2006 (12 years old na), napapasama sa top 10 sa mga klase pero hindi naman malaking achievement ‘yun. Pag nakakasingit ako sa pang-apat, may humihirit pa ng ’bakit di pa ‘yung 1st?”

2007, Batasan Hills National High School. Medyo lumevel-up ng konti. Medyo nakaka-gets na sa buhay. Mas maraming naging kaibigan—hindi ko na iisa-isahin, kilala n’yo na kung sino kayo. As usual, hindi naman mabigat ang mga nagiging suliranin, bukod sa mga singilan sa paaralan ng kung anu-ano, at babae. Dito rin ako nag-attempt na manligaw, kaso puro mga ideyang sablay.

Medyo nakaramdam din ako ng galit, kasi tulad ng iba, naging biktima rin ako ng bullying. Lalo na sa hairline ko. Eh anong magagwa nila, yun ang bigay ng Diyos Ama sa akin? Kala mo kung sinong mga punyeta. Mabuti nalang at may mga kapintasan rin sila kaya nakakabawi rin ako. Lagi akong tinatawanan noon pag umuuwi sa bahay nang nakasumbrero, matakpan lang ang uka sa bandang patilya patungo sa likuran. Dahil doon, bumaba ang self-esteem ko. Pinatay muna nila ako sa hiya bago maka-graduate. Para akong nagself-immolate.

2011, nasa kolehiyo na ako. Hindi ko na sasabihin kung saan at ano. Maraming mga naging kaibigan. InfoTech ang course ko nun. Putek, hindi rin ako tumagal sa mga kadahilanang:

● Low self-esteem epekto nung high school

●Mahal ang tuition, kinaya naman nung una kaso NO PERMIT, NO EXAM. Hassle pa pag hindi mo na-take yung mga exams dahil sa balance, gagaguhin ka muna ng mga staff bago ka maka-take, o bago maka-enroll.

●Pag irregular student ka, sila na ang pumipili ng schedules mo, mapunan lang yung kailangang units sa bawat semester. Bahala ka na kung maiipit yung mga oras mo. Lalo na pag working student ka.

●Internet fee. Alam ko nakakatawang isingit yun para sa inyo. Pero bilang isang IT student, kailangan mo rin ang internet bilang source of information bukod sa mga libro. Lilinawin ko, P500 din yun, ‘tol. Google nga lang, ayaw pa ipagamit?  Ganyan ba kayo ka-desperadong baka mag-Facebook at mag-TubePleasure ang mga estudyante n’yo? Hindi naman siguro.

●May nangmamatang prof at estudyante (hindi ko na ppangalanan kkung sino siya o sila.)

Mid-2012, umalis muna ako sa eksena, nagpalamig. Layo muna sa nakakamatay sa pagod na enrollment at sistema ng dati kong eskwelahang pinapasukan. The same year, nagpasya akong umalis na nang tuluyan. Bumalik man kasi ako baka mawala nalang ako bigla sa mundong ito, nabasag na nga ako sa pressure, hindi ko pa namalayan. Natawa nalang ako dahil kahit pa-exit na ako, ginagago parin nila ako, at ‘yung ilan kong mga kaibigan dun na nagpasya naring lumipat. Yung Dean nga hindi ako pinahirapang matapos yung exit form ko tapos ‘yung Office of The Student Affairs (OSA), Guidance Office, Cashier, at mga Faculty Members, nag-iinaso pa?

2013, nag-register at nag-enroll ako sa National College of Business and Arts (NCBA) o pinalayawang Nakba. Unang sem ko, siyempre kabado. Unaware pa sa environment, naninibago pa. Pero next sems, nasanay na rin ako. Mababait din naman ‘yung mga propesor. Hindi nagtataas ng tuition fees, ma-delay ka manmay exams ka pa rin. I-take mo pa rin dapat. Pag enrollment, sa mga irreg, malaya ang mga estudyanteng pumili ng schedules nila, may required units pero hindi naman sila hawak sa leeg. Walang masyadong pressure. Tinaggap nila ako sa kung paano ako—sa dati kong eskwelahang pinapasukan, halos i-persona non grata nila ako, pero dito sa Nakba, kabaligtaran. Kaya nagpapasalamat ako sa mga NCBA-ians, mula sa mga propesor/faculty members, sa OSA, Guidance, Registrar, Janitors, hanggang sa mga estudyante.

Medyo okey naman ang mga subjects, kahit may tatlong Math sa course ko, okey lang din naman. Siyempre, nagkaroon ng mas malawak na network of friends at dalagang nagpaibig sa akin. Hindi ko na babanggitn kung sino siya pero Jorelyn Cabug, 5-2-5-4 , Cupcake ko.

Maiba naman tayo.

Bukod sa eskwela, nagsusulat, nagdo-drowing, nagpipinta (pag may nag-aya), nagbuo ng banda. Hindi ko rin masasabing raket ang mga ginagawa ko, mahal ko lang talaga. Sa pagsusulat, wala akong sinalihan o kinbilangang mga creative writing workshops o institutions, kaya natatakot parin ako dahil maaari pa rin akong magkamali sa anumang aspekto. Hindi naman ako eksperto.

Nagtatrabaho ang ermats ko bilang isang Food Service Worker sa isang hospital dito sa Quezon City, at hindi ako nadya-dyaheng sabihing siya ang breadwinner sa amin. Yung erpats ko kasi, tumanda nalang na hindi parin mahanap yung dedikasyon niya sa trabaho niya. Sa panahon ngayon, masasabi kong ang dami ring nagkakaganyan. Yung kapatid ko naman, grad na, ComSci, naghahanap na. Proud naman ako sa kanila.
Hindi ko na alam kung ano ang pwedeng isunod dito, kaya ibabahagi ko nalang ang mga aral na para sa akin, hindi lang sa eskwelahan mapupulot. Bukod dun, wala itong Math.

●Mahalin mo at maging totoo ka sa ginagawa mo. Wag kang manatili sa trabaho o gawain na hindi mo naman isasapuso. Pera? Siguro, pero bonus nalang ‘yan. Walang katuturan ang walang pinaghuhugutan.

●Magpakatotoo ka sa sarili mo. Wag kang gumawa ng ayaw mo dahil gusto lang ng ibang tao. Yun yata yung tinatawag na “guilty pleasure” (o mali ako).  Tao ka, hindi ka puppet. Kung wala ka rin namang ginagawang masama at tinatapakan, tapikin mo lang. Pero alamin mo rin kung nasa mataas o mababang antas ang paglabag mo, kung sobra ba o kulang. Nakakasama rin kasi ang dalawang ‘yan minsan.

●Wag magsabi ng problema, liban na lang kung mapagkakatiwalaan ba talaga ang pagsasabihan mo at hindi ka itutulak pababa.

●Wag matakot magsabi ng opinyon. Malaki ang pagkakaiba ng nangangatwiran sa bastos. Hindi ibig sabihin na nangangatwiran, wala ka nang ugali. Ang opinyon ay para sa kahit sino, mayaman ka man o mahirap, gwapo man o panget, may ngipin man o wala. Pero isipin din kung may katututran ba ang opinyon mo.

●Wag manlalandi kung magpupumilit kang mag-ingles kahit maling-mali ang grammar. Seryoso.

●Dapat tanggalin ang mga palabas sa telebisyon na puro mga mag-asawang naghihiwalay dahil sa pangangaliwa. Kaya andaming gumagaya , mga nasisisrang pamilya. Puro kasi kayo pera, pera, pera!

●Balewala ang pagiging matalino kung di ka rin marunong making at magtanong. Hindi lagi ikaw ang pakikinggan, dapat marunong ka ring makinig. Kumbaga sa debate, hindi ka epektib sa batuhan ng mga ideya.

●Pag sinitsitan o sinipulan ka, wag kang lilingon. Tandaan: may pangalan ka. Tao ka, hindi ka aso. Shet sila.  

●Hindi porke’t maraming niligawan, babaero na. Bakit, sinagot ba? Naging mag-nobyo’t nobya ba? Paano kung binasted kami? Paano kung na-mercy reject kami? May puso rin kaming mga lalaki. Marurupok rin kami.

●”Hindi lahat ng bagay nakukuha sa isang tingin, buksan ang ating isipan.” Natutunan ko ito sa isang patalastas sa telebisyon. May isang lalaking muslim ang pinagtitinginan ng mga tao. Nakasandal siya sa kanyang motor, parang may hinihintay, at nagte-text. Iniisip ng mga taong dumadaan sa kanya, ‘masamang tao’, ‘rebelde’. Pero ilang segundo lang ang lumipas, dumating na ang anak niyang sinusundo na niya at pinakitaan pa siya ng mataas na marka. Sana ganun din sa reyalidad ng buhay— hindi tayo pinuputakte ng stereotypes. Luma na ang “don’t judge a book by its cover”, mas angkop yata ‘yung “know yourself first.” Ang mga magaganda sa paningin ay siyang may kahindik-hindik na lihim.

●Wag ipapaaresto ang sarili lalo na kung wala kang kasalanan. □





(Isinulat sa ganap na ika-22 ng Oktubre, 09:09 ng gabi)


Miyerkules, Setyembre 24, 2014

Kamikazee: Long Time na Romantikong Mahaharot

(photo courtesy of opm-musics.blogspot.com)
(Written February 15, 2014, Saturday, 03:12 pm)

                                                         **********************************************
First time ako susulat ukol sa banda.

Hindi ako nagbibiro pag sinabi kong isa ang Kamikazee sa paborito kong banda.

Seryoso nga mga disipulo. Idol ko si Jay [Contreras] bukod kay Jeff Hardy, Kurt Cobain, Ian Tayao, Lourd de Veyra, Joey de Leon at Gabby Alipe . Hindi sa tato, sa dating pagkahaba-haba ng buhok, o lakas ng appeal sa mga chicks. Kundi sa mga walang kupas na komedya sa mga tugtugan at mga ‘overcharged performances’. Saktong Kamikazee, parang ‘suicidal’ ang dating (pero ang suicidal talaga na bandang alam ko dito nun eh Queso.) “Erratic” daw sabi ng isang kaibigan kong babae—napakamapanghusga naman ng salitang yun. Sa palagay ko, dapat siguro “remarkable”, dahil ang bokalista ng nasabing banda ay epektib ring love advisor (syempre, ako lang ang may sabi nun) hindi mo maitatangging may tama ang mga mala-pangtelenobela nyang mga linya tulad ng “Kayong mga lalake, wag kayong magpapagamit sa mga babae dahil hindi kayo kasangkapan. At sa mga babae naman, alam naming masarap kaming paglaruan ngunit sana’y maisip nyong may damdamin din kaming nasasaktan”. O kaya  “Mahalin nyo ang mga boyfriend/girlfriend nyo, kasi  pag nawala ang mga ‘yan, duon nyo lang sila mamimiss” bago tugtugin ang ‘Halik’. Move over, Papa Jack at DJ Chacha.

2000 mula sa UP Fine Arts nabuo ang Kamikazee (6 years old lang ako nun.) Binubuo nina Jay Contreras,  Jomal Linao, Led Zeppelin Tuyay, Allan “Bords” Burdeos, at Jason “Puto” Astete. Actually, may isa pa talaga silang bokalista, yun nga lang, mga 2001 yata, nagpaalam din. Tulad ng kinukwento nila madalas, Boyband tapos naging  Kamikazee Cornflakes ang pangalan ng banda na naging Kamikazee nalang dahil sa palagi nilang nakakalimutan ang pangalan ng grupo nila (ganun talaga pag nagkakaedad, sign of aging yan.) Patugtug-tugtog lang nung una, nung tumagal sa tulong ng tropa nilang si Ocho Toleran ng Cheese, naireto sila sa Warner Music na nagtala sa kanilang self-titled debut album. Sa isang kwento nila sa PULP Magazine year 2009, “Nung nag-start naman kami eh wala naman kaming original talaga eh, kaya lang kami nagsulat kasi nga nung bigla kaming kinuha ng Warner dun palang kami nagsimula. Nagsign na kami, wala pa kaming original na kanta. (Parang)‘Uy, kailangan nating gumawa ng original kasi ang boga naman kung first album namin panay cover lang”, paliwanag ni Jay. Pero nung pinakinggan ko yung mga kanta, okey naman eh. Hindi naman tunog minadali. Mas gugustuhin ko ito kesa sa mga kumakanta nalang para tilian ng madaming babae tuwing guesting sa TV at mall shows; kulang nalang tumakbo sila sa halalan.
Di rin naman sila tumagal sa Warner, ang tsika nila eh parang wala daw plano pero nagtuluy-tuloy lang sila sa pagtugtog hanggang nag-audition sila sa Universal Records (sa tulong rin ng isa nilang solid na katropang si Chito Miranda) kung saan nakagawa sila ng 3 albums , hanggang ngayon hindi parin bumitaw sa kanila.

Una ko silang napanood nung guesting nila sa Unang Hirit sa GMA7 nung 2005 yata yun? Punyeta, hindi naman ako maaaresto kung sablay ang tantiya ko sa timeline eh. Hindi pa masyado long-haired si Jay, hindi pa ma-tato ang kanilang mga katawan, at mukhang seryosong mga tao nung nakita ko sa TV. Pinerform nila yung “Chiksilog” na kasama sa compilation album ng LevelUp! Games, ang Rok On! (Nakakalungkot nga lang din pero meron pa bang LevelUp ngayon? Parang hindi ko na ramdam eh.) As usual, hindi pinatapos nung show yung performance kasi nagpatalastas nanaman. Naiintindihan ko ang side ng mga commercial para isingit yun sa segment ng programa, pero iba yung entertainment sa negosyo. Insulto yun sa mga nanonood sa tahanan at nageenjoy dun sa performance ng banda, kahit sabihing sa TV lang. Pero hindi na natin yun palalakihin, tutal mayaman narin naman sila ngayon eh at hindi na rin baguhan sa eksena.

Tulad ng nabanggit, nakapagrelease sila ng 4 na studio albums.
o    Kamikazee (2002, Warner Music Philippines) - debut album,  astig ang artwork sa cover. Ang album na nilabasan ng mga kantang “Tsinelas”, “Rocky Jr.”, mga cover nila ng “Lucky” ni Britney Spears at “Sana Kahit Minsan” ni Ariel Rivera. At siyempre, pinakagusto ko dito yung “Girlfriend”; kung hindi ako nagkakamali, ito lang ang kantang ingles na ginawa ng ‘kazee. Pero walang masama dun ah. At least, makabayan parin sila.
o    Maharot (2006, Universal Records) – 1st album nila sa UR. Eto rin ang pinaka-‘highlight’ sa discography nila, humampas sila sa mainstream sa mga kantang “Martyr Nyebera”, “Ambisyoso”, “Seksi Seksi’ , ang “Narda’ na naging hit lalo nang ginamit sa isang fantaserye sa GMA7 na pinagbidahan ni Angel Locsin, at madami pa. The same year, if I’m not probably mistaken, yun din yung taon na ni-release nila ang rendition nila ng Doo Bi Doo” sa tribute album para sa Apo Hiking Scoiety.
o    Long Time Noisy (2009, Universal Records) – “hindi daw masyado bumenta”, pabirong hirit sa kanilang official Facebook fanpage.  Nakakalungkot isiping maaaring tama pero sa isang banda nakakadismaya, kasi overshadowed na ang OPM ng Kpop nung taong ‘yun. Nakakapanghinayang  kasi ang dami nilang magagandang kanta dun na meron ding katuturan, na pwede ring gawing singles eh. Dahil ba sa maingay tulad ng kantang “Chismosa”, “Eschoos Me” at “Lalandiin”? Malamang, kaya nga may noisy sa pamagat eh. Kung ayaw mo pakinggan eh di ‘wag. Wala akong pakialam.
o    Romantico (2012, Universal Records) – tulad nung pamagat,mas sumimple, mas lumambot at  hindi sya ganun kaingay kagaya nung last album (liban nalang sa “Wo-Oh”  na nakakarelate ako kasi pangit ako eh, at cover ng “If You’re Not Here” ng Menudo kung kasama si Chris Padilla at Steve Badiola na bumabanat.) Excellent collaboratons with Kyla on “Huling Sayaw”, Choko Abejo of Concrete Sam on “Tamis” which is a CS original; Chris Padilla of HIlera and of course, Steve Badiola of Typecast on “If You’re Not Here”.

Kahapon, Valentine’s Day, 46th Anniversary ng school namin. Syempre, campus gig ‘yun. Ibang-iba kumpara sa annual PULP Summerslam at Tanduay Rhum Rockfest na may inuman, at may moshpits. Natawa ako, mas marami pang naitugtog nung mga local bands ng eskwelahan namin kesa sa main event;  hindi ko trip yung mga banda kaya hindi ko narin pinakinggan liban nalang dun sa Tupa ni Ada (sempre hot ung vocalist eh) at dun sa isang banda na tumugtog bago ang Kamikazee. Nakalimutan ko na ang pangalan ng bandang ‘yun pero natuwa ako kasi tumugtog sila ng originals nila mismo. Tumugtog ang ‘kazee. 6 songs lang ang nabanatan nila dahil di kasya ‘yung oras para sa isa pa nilang gig (sa Paraňaque yata 'yun), tapos medyo na-delay ng konti dahil yata sa mabigat na trapik. Hindi na kami nakapagpa-piktyur o nakapagpa-autograph after nung show dahil pinasakay sila agad sa kotse. Bitin pero ok parin.

Marami akong mga kaklase dati na pag nagkakakwentuhan ng mga banda, pag may bumanggit ng Kamikazee, sinasabi manyak daw, bastos daw dahil sa kanta nilang funk/reggae ditty na “Vagina” (na may linyang “Vagina, I hope you like vagina too; Vagina…”). At bakit? Dahil laging may mga tsiks na humahalik sa boklista t’wing tugtugan? Dahil mahalay sumayaw si Jay? Dahil binabanggit palagi sina Manny Pacquiao, Lady Gaga at Justin Gayber  ni Jay (at nung apat din minsan) sa mga kulitan nila? Motherfounders na mga maarteng kritiko. Akala naman nila mas maganda kung One na No Direction o Chicser ang gagawa nun. baka nga batuhin pa yun ng bomba ng mga manonood eh.

Speaking of green jokes at comedy, syempre,  dahil  idol ko nga si Jay at yung apat pa, eto ang ilan sa mga malulupit na linya na nagmula sa kanila (pasensya na , kung karamihan ay kay Jay mismo, dahil yung apat eh di naman masyado madaldal pag nasa stage o backstage), hanapin mo man sa YouTube o Google, o kung pwede, itanong mo pa sa kanya, sa mga kaibigan nya o kaya kay Travis Kraft. Kung kayo’y nababastusan na, takpan nyo na lang ang inyong mga mata.

1.       “Suportahan nyo yung album ni Gloc 9 yung MKNM, Mga Kwento ng Makata. Yung Parokya, Inuman Sessions Vol.2, out na, pero sana suportahan nyo rin yung album namin, iboto nyo yung ‘Huling Sayaw’ tangina kelangang-kelangan namin ang pera nyo; mayamang- mayaman na ang Parokya ni Edgar, mayamang-mayaman narin si Gloc 9, kami sakto lang.”- Jay, habang iniimpersonate si Gloc 9
2.       “Wag nyong kinahihiya ang vagina, yan ay isang creation ni God. Lahat tayo dyan galing."
Kung di ka galing sa p***, di ka tao, kung galing ka sa pwet, tae ka. Anumang mangyari babalik at babalik ka kung sa’n ka nanggaling; tingnan nyo ‘ko ang laki-laki ko na pero bumabalik parin ako sa p***.”


(Itutuloy…)

Tamang Panahon

Tamang Panahon
(isinulat ni Anthonny Yabut)

************************************************
Ano pa ba’ng dapat pag-usapan? Halos lahat na ng mga bagay-bagay na puwedeng  diskursuhin eh nababasa na sa internet o sa mga diyaryo, napapakinggan sa radyo, nakikita sa telebisyon, at kung anu-ano pang bunga ng sibilisasyon. Mabilis nga talaga ang biyahe ng dyip; kung di ka sasakay dito kahit angkas lang, sori ka nalang, maiiwan ka talaga.
“Ang buhay ay parang isang pelikula”,  ika nga sa kasabihan. Hindi ko talaga ma-gets yung kabuluhan ng kasabihang ito. Malabo kasing maikumpara ang buhay sa isang pelikula eh (bakit, ang buhay ba may scriptwriter? cameraman? make-up artist? utility? lights at audiomen? Wala, diba?), pero hindi ko na yun pahahabain pa, gugulo lang lalo ‘tong takdang-aralin ko. Magulo na nga eh.
Tutal nabanggit ko narin ang salitang ‘pelikula’, eto ang pag-usapan natin,, ang independent films, o para sa mas maikling katawagan, “indie”. Siguro nagtataka kayo bakit hindi yung mainstream’ o yung mas commercialized (parang yung My Little Bossings nung nakaraang pasko na puro lamang cough syrup, pancit canton, sabong panlaba ang itinakbo ng kuwento.) wag na kayong umangal, wala na kayong choice, hindi rin naman kayo kikita kung magiging choosy pa kayo.
Tulad ng sandamakmak na Pilipinong nagkukumahog sa araw –araw na buhay, hindi ako masyado nagkakaroon ng oras manood ng pelikula, (mas lalo na yung sa mga sinehan sa mga malls at kung makikita mo ang mga pinapalabas nila, baka maintindihan mo rin), kung makanood man, tsambahan nalang. Sa pagkakatanda ko, ang huling pelikula na napanood ko ay Scorpio Nights, ay hindi pala (pasensya na, wag nyo ako babatuhin ng kamatis ah.) Dahilan kung bakit pinangarap kong makapasok sa IAFT (International Academy of Film and Television) Filmschool, makagawa ng makabuluhang pelikula, at makadalo sa Cannes Film Festival noong bata palang ako. Syempre, hanggang pangarap lang ‘yun.
Pero bumalik tayo sa ‘indie’. Kung ang mainstream cinema sa ‘Pinas eh, kinakain lang ng mga endorsements, nababalutan ng ka-sosyalan ni Anne Curtis at masasakit na mga biro ni Vice Ganda, ibahin mo ang eksenang ito., hindi ito papalag sa mga pelikulang tumatakbo lamang ng 1 at kalahating oras at ginawa lang na nasanay sa parehong pormula— (i.e. kabit vs. legal na asawa, napaka-karaniwan na ‘di ba? Kaya andaming mag-aasawa ang hindi man lang umaabot ng 2 years, hiwalay na agad. bumubunga lamang ng di-magandang epekto sa mga nagsumpaan at kinasal sa simbahan at sa harap ng altar.) Gayunpaman, marami pa rin namang mainstream movies na makapagpapasaya ng puso o kukurot sa damdamin at isip ng mga tao. Eto ngayon ang problema: hindi yun bebenta.  Wala akong kontra sa mga pelikula ng GMA Films, Star Cinema, Regal, VIVA, Seiko (teka, wala na pala yun)  at kung anu-ano pa. Alam kong hindi rin madali gumawa ng pelikula  hindi rin madali mag-produce, trabaho rin yan eh; hindi pala trabaho, negosyo. Pero may pagkakaiba parin ang negosyo sa page-entertain sa tao.
Hindi ako direktor o kritiko pero nakakasama rin pala ng loob na tinatawag na “low-budget” ang mga ganitong pelikula, mas angkop ata ‘yung katawagang “D.I.Y. (Do-It-Yourself)”, at “underground”  kasi kahit sabihing hindi pulido ang mga kamerang ginamit (yung iba nga handheld lang eh), solid parin yung finished product. Mas lalo namang nakakadismaya yung sabihing tungkol lang sa kahirapan ng pinoy, basura, gay-oriented at ang pinakamasakit sa lahat na ang indie films daw ay puro lamang slum areas. Pero sa kabila ng mga masasakit na punang ‘yun, humahampas pa rin ang independent cinema; ayaw mo maniwala? Manood ka ng mga film entries sa Cinemalaya Film Festival, o kaya i-Google mo.   
Ika nga ng beteranong aktor na si John Arcilla, na nakilala sa pagganap kay Virgilio Delos Reyes sa pelikulang Compound noong 2006, (Kung tatanungin nyo ako kung tungkol saan ang kwento, basta inspired sya sa pagbomba sa isang mall sa EDSA nung taong ‘yun at pagkakakulong ni Dennis Roldan noong 2004 ,ayon sa direktor na si Will Fredo. In short, puro kidnapan at mga terorista) “Sana mas maging matalino na ang audience para wala nang pumatok na panoorin na hindi naman nakakadagdag sa kamalayan at pagtalino ng tao para harapin ang totoong buhay”, oo nga naman.  “Yung influence kasi ng Western culture eh malakas na mas gugustuhin ng mga taong manood nalang ng foreign films kesa manood ng sariling atin.”, dagdag ni Will Fredo, isa sa mga founder ng HUBO Productions, isang independent filming production team na naglabas ng mga malalalim pero ‘hard-hitting’ na mga produkto gaya ng Compound, Il Nomine Matris, at ang melodramatic na sa Pagdapo ng Mariposa (The Caregiver).
Ang sitwasyon kasi ng film industry natin, pati narin ang art, literature, print, at record industry ay parang tortang talong na hindi na-torta dahil sa ginagalaw imbes na hayaan lang hanggang sa maluto nang buo sa kawali. Ang resulta? Durug-durog nang naluto; yung iba, dumikit sa kawali, yung iba naman kalat-kalat kainin, nasunog pa, pero iisa lang din naman ang pinanggalingan nun. At ang masaklap, wala nang ingredients na pangluto pag nabitin.
Mahirap gumawa ng isang indie film. Lalo na kung hindi kumpleto ang kagamitan mo at kulang ang tao na magsisilbing ‘crew’ sa set. Hindi rin ganun kasigurado ang isyung pinansyal, uulitin ko: wala ‘tong segwey-segwey ng kung anu-anong produkto. (Yung Ang Babae sa Septic Tank, Kimi Dora, at Here Comes The Bride na sinasabing independent, katarantaduhan ‘yun. Mas mako-consider mo pa yung Six Degrees of Separtion from Lilia Cuntapay at Bwakaw kesa dyan sa tatlo.) Maski sina Peque Gallaga, Lino Brocka, at Brillante Mendoza, ay dumaan din sa puntong ‘yan.
Sa ibang dako naman, ang idol ko at lav na lav kong si Lav Diaz— na ngayon mas humataw pa sa pelikulang Mula Sa Kung Anong Meron Noon (na umabot sa anim na oras, isa sa mga elemento para manalo ng Golden Leopard Award sa Locarno International Film Festival) ay kilala sa kanyang eksperimental na estilo. “Malaya ako. Malaya ang mga pelikula ko. Pinapalaya ko ang mga ‘yan. Ang pelikula ang nagpapalaya sa atin. Hindi ako preso ng mga dalawa o isa’t kalahating oras na pelikula. ang pagkahon ng mga gawa ko sa bentahang industriya ay isang kahibangan. “ ilan lang sa mga prangka nyang hirit sa isang interbyu sa pahayagan.
Dahil indies narin ang pinag-uusapan natin, narito ang mga iilang tato ng independent filming, base sa pagkakaobserba ko:
·         Malalalim na dialogues o mas malalalim na idiomatic expressions- yun ang isa pang appeal ng indie. Para ipamulat ang isipan ng direktor at mga artista, na dapat ay malalim mag-isip dahil ang art ay malalim. Wag nyo itong irerekomenda sa mainstream, magiging over-acting ang dating. Nagmumukhang “artsy fartsy”, ika nga ni Joel Torre.
·         Prostitute. O para maka-Pilipinong dating, pokpok. Ano nga ba ang silbi ng mga tsiks sa nasabing pelikula? Syempre, pampainit ng mga eksena para sa mga mahihilig na lalaki, ‘kahirapan nga ng pinoy di ba’? iba lang ttalaga siguro and dating ng isang pelikula pag maraming tsiks. Syempre, kung merong prosti, meron ding…
·         Call boy. Male counterpart ng prosti, yan ang indie cinema, na natutuloy sa…
·         Gay scenes. Importanteng may “gay element”. Eto ang pinaka-trend ng indie films sa market, lalo na dito sa Pilipinas. Pag eto’ng ginawqa mo, tiyak na bawing-bawi ang lahat ng gastos mo, tanungin mo pa si (bleep). Ewan ko rin kung bakit. Siguro kasalanan ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros..
·         Love scenes (o bed scenes, angal nung propesor ko). O mga mas malalim pang mga eksena, ayoko nang dagdagan, baka banatan ako ng mga taga-MTRCB.
·         Taong grasa. Depende sa kuwento, da best sa role na ito si Lou Veloso at Ronnie Lazaro--- pano maging taong grasa? Sa turo ng idol kong si bayaw Jun [Sabayton, Jr.], carbon paper at mantika, o tubig lang ang kailangan.
·         Subtitles. Para naiintindihan rin ng mga manonood, sakaling makapasok sa international scene.
·         Amateur handheld camera. Uy, hindi naman lahat. Kung tipong pang- documentary at thesis films lang, siguro.  Tulad ng “The Gap” ni Karl Porio para sa IAFT Filmschool, da best yun (pero hindi nga lang handheld ang gamit, full set nga yata.)
·         Di-kilalang personalidad. Kadalasan. “Raw Talent”, ika nga. Kung mga taga-teatro, pwede rin. Pero, sinasamahan parin ng iilang mga beteranong aktor at aktres para tumatak sa isang pelikula, lalo na kung baguhan din ang gaganap na bida.
·         Slum areas. Para realistic ang dating ng set. “Pornography of poverty” o “poverty porn”, ika nga. Kung kahirapan lang din ng pinoy, ang ibabansag, ito ang magsisilbing naglalagay ng ‘reyalidad’ sa isang indie film..
·         Cameos. Pinakapaborito kong indie ay yung “Rakenrol” ni Quark Henares, mga aktwal na bandista ang nag-cameo tulad nina Mikey Amistoso (Ciudad), Diego Castillo (Sandwich), Mong Alcaraz (Chicosci, Sandwich), at iba pang magagaling na banda kagaya ng Urbandub..
Dagdag lang: eto naman ang mga ikinatataka ko sa iilang mga ugali ng mga ganitong pelikula (o sige isama narin natin ang mainstream para lahat na.)
·         Bakit sa mga bed scenes, may nagyo-yosi pagkatapos mag-anuhan? Okey lang kahit wag nyo na sagutin, baka mabasa ‘to ni Atty. Eugenio Villareal.
·         Yung mga goons (sa mga dating pelikula), balut na balot ng jacket kahit ang init-init? Tapos may tali pa sa ulo. Samantalang mga goons sa foreign films, naka-corporate attire pa, papatay lang yun ha. “Dress to kill” talaga.
·         Bakit yung mga pulis, kapag may namatay na importanteng karakter o yung bida mismo, saka lang dadating? Uso na ang trapik nun, ‘tol. Idagdag pa dyan sigaw ng ‘ napapaligiran ka na namin’. Magkakabarilan, pero buhay parin yung salarin.
·         Bakit yung karamihan sa mga ganitong pelikula, maraming eksenang nakatunganga lang ng ilang oras at parang malayo ang tinatanaw? Syempre, di mawawala ‘yon. Yun ang nagpapakita ng perspektibo ng isang tao sa buhay nya.
·         Yung eksenang hahantong na sa bed scene, bakit gumagala yung kamera? Ba’t ayaw nilang i-dissolve nalang yung scene, kung hindi naman ipapakita? Pasensya na po, MTRCB, last na po talaga.
·         Bakit nakatitig lang yung mga artista ng ilang oras na wala namang ginagawa? “Punyeta, pa’no tayo mananalo ng Cannes nyan?”
·         Bakit yung mga independent films, yun pa yung humahampas sa international scene? Hindi na ‘yan kailangan pang ipaliwanag, gets nyo na.
Tulad nga ng sinabi ko kanina, mahirap gumawa ng pelikula, mainstream man o indie, matrabaho talaga ‘yan; pero kung mahirap ang gumawa, mas mahirap naman ang manood, kasi sila ang magiging basehan kung maganda ba o hindi ang ginawa ng isang direktor. Pero kung gusto nyo talaga, may paraan naman. Lalo na sa panahon ngayon, may teknolohiya na. Si Hayden Kho nga nakagawa ng pelikula gamit lang ang cellphone eh. Ay, iba pala ‘yun.
Bilang sumatotal nito, hindi ko sinasabing bulok na ang daloy ng pelikulang Pilipino, hindi ko rin nirerekomendang gumawa kayo ng pelikulang isang tao lang ang makakarelate, o pelikulang masusuka ka muna bago matae sa sobrang lalim; kundi may nagagawa ang independent films sa pag-angat ng sining natin. Ito ay mga  pelikulang maipagmamalaki ng bansa sa kultura at estetiko. Na ito ay higit pa sa kahirapan, pamamakla, at pagtitig sa kawalan ng ilang oras na parang mga nakaka-depress na documentaries sa TV. Na ito ay mga pelikulang may puso.
Pero anuman ang mangyari, nasa hilig parin ng tao ‘yan. Kanya-kanya paring panlasa ‘yan. Maniniwala ka nalang na madami pang magagandang kwento ang nakatago. Ang tanong dyan: sa’n mo hahanapin?

Kaya sa mga gustong gumawa ng indie film. Gawa na. Direk????

(Cut!!!!!) □








(Isinulat sa ganap na Ika- 10 ng Setyembre 2014, Miyerkules, sa oras na 7:52 ng gabi)

Biyernes, Agosto 24, 2012

Orihinal na Pilipinong Myusikero



(Written July 26, 2012)


“Madaming musikero sa Pilipinas ang magagaling, ang problema, hindi sila gaanong napapansin.”

Martes, ika-8 ng umaga,nagre-relax ako kasabay ang paghigop sa mainit kong kape (ala-una pa kasi ang klase ko kaya walang masyadong pagmamadali), natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa harap ng aming lumang karaoke system, nakikinig sa di ko alam na istasyon.

Narinig ko na lang ang isang kanta na pumukaw sa atensyon ng aking mga tenga, “Ito na ang ating huling sandali, hindi na tayo magkakamali, kasi wala nang bukas, sulitin natin, ito na ang wakas, kailangan na yata nating umuwi...”, ilan sa mga lyrics ng kantang “Huling Sayaw” ng Kamikazee (kasama ang RNB princess na si Kyla)—isa sa mga impluwensyal na bandang pinoy ngayon. Naisip ko, ‘hupaw, ang galing parin ng musikang pinoy”.

Bata pa lang ako, hilig ko na ang makinig sa musika, naasar pa nga ako nun pag may naririnig akong English nakanta—foreign man o local pa rin. Kahit ngayon, isa ako sa mga nangangarap na musikerong marinig at mapakinggan, at nang masuportahan naman ng Dispulo at Confessional Serenade ang industriya ng OPM, in short for Original Pilipino Music (pero yung iba Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, pero ang tawag ng mga kaibigan ko mula dito sa Tower of Doom, Original Pilipino Metal). Pero iba man ang trip, nagkakaisa ang mga pinoy pagdating na sa tugtugan, kaya nga maraming kanta tayong maririnig na collaborations. At syempre, di rin natin dapat kalimutan ang mga kanta nung araw, tuladng heartbreaking vibrato na “Sabik ako sayo…”

Nakakalungkot mang sabihin pero ang musika natin ay kasalukuyang humihingi ng saklolo sa purgatoryo, dahil sa mga kanta ni Gayber, Lady Gaga, at No Direction? Ewan. Hindi ko sinasabing wag suportahan ang musikang banyaga, pero wag rin naman sanang kalimutan na maraming magagaling na talento dito sa Pilipinas—at kung magpe-perform man sila, performance talaga, hindi yung parang tanga lang sa suot nyang polyester na damit—balut na balot kahit mainit
.
Pero bakit nga ba malakas ang dating ng mga gawa nila kumpara sa’tin? Dahil ba maganda at pogi?Dahil magaling manamit? O baka naman tayo ang may problema. Pano naman kasi, hindi rin natin masisisi ang mga tao kung madali sila maurat sa mga kanta na puro lang nirevive, cover as widely known, at ang malupit, galing pa mismo sa mga foreign artists. Fashion? Expressive musicianship?  Poetic lyrics? Magaling naman tayo dyan eh… Oo, mahirap sumulat at gumawa ng kanta, pero kaya nga nagtutulungan, ‘diba? 

Ayokong isiping bulag lang siguro ang mga tao. Mas gugustuhin ko pang making sa kantang “Lumang Simbahan” ni Larry Miranda kesa ngayon na nadadaan sa bola ng PR at punyetang text votes na yan, oo nga naman—hindi kayang tyempuhin ng mga kantang One Direction at mga K-Pop ang babaeng laging sinasaktan ng asawa nya, o kaya taong nawawalan na ng pagasa dahil sa sabay-sabay na daloy ng problema, o kaya ang delubyong nangyayari sa ating kapaligiran ngayon.

 “Hindi na natin maitatangging palugi na yung mga labels ngayon kaya hindi na sila nagte-take ng risk para sa artist o bandang gagawa ng album”, pahayag ni Melvin Macatiag, kung kilala nyo siya, hindi ko na sasabihin pa kung sino sya. Tumpak. Isa sa mga dahilan ng pagkalugi ng musika natin ay ang pamimirata, kaya dahil sa kakapusan sa suporta, pinipili nung ibang maging independent na lang.”Being an independent artist is hard enough; we’ve almost done that before, mahirap”, malupit pa nyang dagdag. Pero kung tutuusin, mageksperimento ka, pumunta ka sa isang branch ng Odyssey, Astrovision o AstroPlus sa kahit saang branch ng SM Malls, pag tiningnan mo yung mga presyo ng mga albums, wag kanang magtaka kung bakit madami ang gumugustong mag-download nalang sa internet, i-burn sa CD, at ibenta sa halagang P50,P35, o P100 (pag DVD). Kaya sino naman ang musikerong hindi kukulo ang dugo diba? Pero kung sakali mang ibenta man nila yun sa abot-kayang presyo, Sulit din, baka mas mataas pa ang sales ng bumili at mabawi ang malaking gastos sa production budget. Bawi rin kahit sabihing mas malaki yung ginastusan sa paggawa kesa dun sa presyo.

Naiisip ko rin minsan, pa’no kaya kung sama-sama lahat ng musika sa industriya, walang “independent”, “underground”, at ang masang-masang “mainstream”, sa daloy ng impluwensya ng mga imported, marami ang humihina sa pagpapalakas ng OPM—isa sa mga halatang dahilan kung bakit umalis si Cynthia Alexander patungong ibang bansa., for the good daw, pero ang masakit na katotohanan sa isang musikerang gaya nya? It’s a big NO.

Ilang taon narin ang lumipas mula nang magpaalam ang isang istasyon sa radyo,ang NU 107, “the home of NU Rock”, sabihin man nila ang dahilan o hindi, OPM doom lang din ang dahilan..’Controversial’ man daw at ’masyadong sell-out’ sabihin ng iba, matagal narin ang 23 years, naabutan pa yata yun ng pinakagusto kong istasyon, ang UR 105.9, kung saan ang mga independent, at underground artists ang naghahari, ayus. Pero nung nawala sila, madami nanamang mga musikerong magsisikap nai-promote ang mga sarili nila kahit alam nilang hindi madali.

Ilang araw ang lumipas matapos ganapin ang kauna-unahang Philippine Popular Music Festival, na pinangunahan ng beteranong kompsitor at tinaguriang “Beethoven of the Philippines”, si Maestro Ryan Cayabyab, kasama ang iba pang magagaling sa larangan ng musikang Pilipino. Mahigit 3,000 piyesa ang pinagaralan, pero 14 lang ang pinalad na umabot sa finals. (Sayang, may dalawang entry ako, kaso di ko na-submit dahil sa ilang problema), Kahit nainiintriga ang ilan sa kanila matapos ang kompetisyon, Congratulations parin sa kanila, kasabay nun ang paghiling na ang lahat ng mga kanta nila ay mabigyang-pansin, at tumatak sa mga playlist ng marami, na pinapatugtog sa mga radyo, pinapanood sa YouTube bilang soundtrip, dina-download sa iTunes, at kinakanta saan man patungo.

Hindi masamang sumuporta ng mga banyagang impluwensya, tutal musika rin naman yun eh. Pero wag din naman sana nating kalimutan ang sariling atin, at dun sa iba na puro porma lang, kung musika, musika lang, wala nang halong kagaguhan… Hindi nyo na kailangang magsuot ng ekstraordinaryong damit para punain at i-ban ng mga tao at debotong simbahan para magconcert dito sa Pilipinas, hindi mo na kailangang mag-girlfriend ng marami, at ma-isyung may naanakan ka, hindi mo narin kailangang magpa-pogi sa mga gigs para lang tilian ng mga chicks, hindi mo na rin kailangang ipamahagi ang merchandise na ikaw rin mismo ang gumawa kung aangkinin lang ng isang istasyon gayong wala naman silang kontribusyon sa pagod at effort mo. At higit sa lahat, hindi ka na kailangang kumain ng bubog para lang magkademo.

Calamity… Fun??



(Written August 14, 2012)




Ilang araw ang lumipas, nang manguna sa mga balita sa mga lokal na pahayagan, telebisyon, at radyo ang panibagong delubyo sa bansa natin. Mula sa bagyong Gener  Helen, at di-na pangalanang bagyo na dumaan lang sa bansa natin dulot ng malakas na hanging habagat, na kung saan, yun pa yung pinakamalakas na bagyong halos tumalo kayOndoy. Nakakatawa nga eh, dahil hindi naman talaga sya bagyo, pero kung makaasta, nagpapaka. Panggap.

Kasabay nun ay pagsuspindi sa mga iilang government at non-government employees, at sa lahat ng mga klase sa bawat kanto ng Pilipinas, pampubliko man o pribado. (Pero nakakairita rin dahil yung eskwelahan namin, hindi man lang nagawang magpaanunsyo sa telebisyon o radyo, puro lang sila Facebook at text, pano naman yung iba? Kung wala silang cellphone, o walang telepono o kaya’y di nakapagbukas ng Facebook account nila eh di pa nila malalaman na wala palang klase? Mga abnoy. )

Grabeng baha, na nagmistulang dagat, nahihigit pa sa pinakamalawak na dagat sa balat ng Guinness Book of World Records. Kaya pinayuhan narin ang karamihan na manatili nalang sa kani-kanilang mga tahanan, at wag munang pumunta sa kung saan-saan. Nakita ko ang grabeng baha sa tapat ng STI sa may Ortigas, halos abot singit na yung lebel ng tubig, paghindi pa ito humupa, makikita ko ang mga tao, walking down “under the sea”. At kahit sabihin ng mga taga-ibang bansa esp. London na olats tayo sa 2012 Olympics, isa lang ang masasabi ko, “Filipinos were raised with great swimmers”.

Halos gazillion (halagang lumalampas sa pinakamataas na yunit ng milyon) na mga pagaari ang nawawala, na pinsala at natupok ng apoy---- biruin mo, nagkaroon pa ng sunog sa iilang mga magkakasunod na bloke ng mga kabahayan sa ilang lugar, faulty electrical wiring daw, yung iba napabayaan ang mga flammable materials, eto ang mahirap sa mga bahay na magkakadikit eh, pag nagkasunog, kapit-kapit din. At syempre kung may nagbrownout at nagblackout, meron namang nabiyayaan ng kuryente—yung iba nga straight to the body yung bahagi, ayun, dedbul.


Nagkandaugaga si PNoy at mga ahensyang tulad ng PAGASA, DepEd (wala na ang CHED, ipinatanggal ko na dahil parang wala namang kumikilos, mas mabagal pa kaysa sa pagong--loko lang.), DPWH, at iba pa upang matugunan ang iba pang napinsalaan, mga dapatayusin, at mga dapat tulungan. Kahit pa ang mga artista eh hindi rin nagpahuli, isa na dito si Angel Locsin, na hindi talaga pupwedeng hindi tutulong sa mga nasalanta ng bagyo, natatandaan ko nun nang ipa- online auction nya ang mga mamahallin nyang bags at accessories parai-fund sa mga nasalanta ng bagyo,hindi tulad sa iba dyan na madasalin nga, nagawa bang tumulong sa kapwa? at etong mas gusto ko, hindi sya papayag kung hindi sya ang magaabot ng tulong sa mga nawalan. A true angel inside and out. Swerte ni Phil Younghusband.  Ang longest-running noontime variety show na Eat Bulaga!, inubos nalang ang buong episode ng isang araw para mag-impake ng mga relief goods sa mga nangangailangan. Iba ang pinoy pag nagkapitan. The rest? PR na lang yan.

Mayaman man o mahirap, walang pinipili ang sakuna, kaya kahit ang mga crush kong mga artista, ang ilan sa kanila, apektado rin ng insidente, ano sila waterproof para di tablan?

Sino ang may kasalanan?

Diyosba? Kapaligiran?  O yung mga kalamidad mismo na tayo rin ang may gawa?

Tayo.

Yan angkatotohanan. Kung susumahin, hindi ako environmentalist, pero halos kalbo na ang kagubatan sa mga puno na hindi naman pinalitan pagkaputol, hindi masamaang logging, pero kung hindi mo naman tataniman ng pamalit, sino ang hihigop sa baha kapag tumaas ito? Sino ang hihigop ng maruming hangin? Ikaw ? Hindi ka si Rico J. Puno, dre.

Mga basurang kung saan-saan lang tinatapon?  Teka, para sa’n pa ang mga basurero’t kung saan lang itinatambak yung mga basura? Maski ang mga landfills hindi narin napapansin. Pero sa kabila ng lahat, andyan parin ang mga junkshops para isalba ang mga basurang may silbi pa, “may pera sa basura”, ika nga nila.

Tutal nabanggit ko narin yung hangin, susulitin ko na’to. 

Sa pagbuga ng maitim na usok mula sa mga punyetang pabrikang di man lang magawang i-upgrade ang sistema nila, sa mga bus na bulok na ang pintura sa kalawang na dinagdagan pa ng nanlalambot na gulong, at sa mga bungangang mga naninigarilyong nambubuga pa sa ibangtao, mas malala kung amoy imburnal pa yung hininga.

At iilang mga ahensyang pulitiko nanamamatay na ang mga kababayan nya , wala syang iniintindi kundi ang pagtakbo nya sa 2013 elections, na ngayon ay hindi parin alam ang tunay na kahulugan ng salitang “pagtulong”. Hindi na kita iboboto uli.

Sa mga ganitong sitwasyon, mararamdaman mo talaga ang espiritu ng pagtutulungan ng mga Pilipino. Sa gitna ng kalsadang nagmistulang dagat, nagawa parin nilang magbasketbol at magswimming kasama ang mga foreigners na enjoy na enjoy din naman. Ito ang tunay na ibig sabihin ng tagline na “it’s more fun in the Philippines”, hupaw. Sa gitna ng kalamidad hindi parin natin nakakalimutan ang ngumiti at sabihing “di mo kaya yan nang magisa, tutulungan kita.”



(Itutuloy..)