***************************************************
Naiinis ako
pag pinapasulat kami sa klase ng talambuhay. Hindi naman galit pero wala naman
kasing ‘highlights’ ang buhay ko. Para lang ‘yun sa mga artista, pulitiko,
atleta, bayani, negosyante at mga kilalang personalidad. Mga prominenteng tao.
Para lang ‘yun sa maraming naiambag sa lipunan, o kaya sa mga inaambagan ng
lipunan.
Hindi ko rin
alam bakit ito pinapagawa sa eskwelahan. Kaya siguro yung iba nagiging sabaw,
yumayabang ng wala sa oras. Tumatanda nang paurong, ika nga ng tatay ko.
Dumadami ang nagmamarunong na hindi rin naman nagtatanong, at hindi rin
nakikinig. Siguro kasalanan din ito ng teknolohiya? Tamad na nga tayo, bumabaw
pa ang mga pag-iisip natin. Pero masyado nang malawak ‘yun kung pagtataluhan pa
natin.
Hamon din sa
akin ang pagsulat ng sarili kong talambuhay dahil wala naman akong achievement
sa buong buhay ko. Importante kasi ‘yun sa ganitong sulatin. ‘Para naman may
katuturan’, sabi ng ilang mga mambabasa. Para naman may saysay ang karera mo sa
mundong ito, ‘di ba? Awards, recognition, career achievements, mga ganun. Wala
naman ako nun. kung meron man ay ‘yung nakapag-aral ako at dun nalang tumanda
ng husto. Bukod dun? wala na. Hayaan na nga natin.
Magsimula tayo
sa pag-aaral ko. 2001 (7 years old lang ako nun), una akong pumasok ng
eskwelahan. Payatas A. Elementary School. Ayos naman. Medyo natatakot ng
kontisa nagllistahan ng maiingay, at Math. Nag-aral, kumain, naglaro,
nagka-crush, sinundo, na-bully, nag-enjoy—gawain ng isang ordinaryong bata.
Wala namang masyadong problema bukod sa sundo, at Math parin. Ganun lang
hanggang 2006 (12 years old na), napapasama sa top 10 sa mga klase pero hindi
naman malaking achievement ‘yun. Pag nakakasingit ako sa pang-apat, may
humihirit pa ng ’bakit di pa ‘yung 1st?”
2007, Batasan
Hills National High School. Medyo lumevel-up ng konti. Medyo nakaka-gets na sa
buhay. Mas maraming naging kaibigan—hindi ko na iisa-isahin, kilala n’yo na
kung sino kayo. As usual, hindi naman mabigat ang mga nagiging suliranin, bukod
sa mga singilan sa paaralan ng kung anu-ano, at babae. Dito rin ako nag-attempt
na manligaw, kaso puro mga ideyang sablay.
Medyo
nakaramdam din ako ng galit, kasi tulad ng iba, naging biktima rin ako ng
bullying. Lalo na sa hairline ko. Eh anong magagwa nila, yun ang bigay ng Diyos
Ama sa akin? Kala mo kung sinong mga punyeta. Mabuti nalang at may mga
kapintasan rin sila kaya nakakabawi rin ako. Lagi akong tinatawanan noon pag
umuuwi sa bahay nang nakasumbrero, matakpan lang ang uka sa bandang patilya
patungo sa likuran. Dahil doon, bumaba ang self-esteem ko. Pinatay muna nila
ako sa hiya bago maka-graduate. Para akong nagself-immolate.
2011, nasa
kolehiyo na ako. Hindi ko na sasabihin kung saan at ano. Maraming mga naging
kaibigan. InfoTech ang course ko nun. Putek, hindi rin ako tumagal sa mga
kadahilanang:
● Low
self-esteem epekto nung high school
●Mahal ang
tuition, kinaya naman nung una kaso NO PERMIT, NO EXAM. Hassle pa pag hindi mo
na-take yung mga exams dahil sa balance, gagaguhin ka muna ng mga staff bago ka
maka-take, o bago maka-enroll.
●Pag irregular
student ka, sila na ang pumipili ng schedules mo, mapunan lang yung kailangang
units sa bawat semester. Bahala ka na kung maiipit yung mga oras mo. Lalo na
pag working student ka.
●Internet fee.
Alam ko nakakatawang isingit yun para sa inyo. Pero bilang isang IT student,
kailangan mo rin ang internet bilang source of information bukod sa mga libro.
Lilinawin ko, P500 din yun, ‘tol. Google nga lang, ayaw pa ipagamit? Ganyan ba kayo ka-desperadong baka
mag-Facebook at mag-TubePleasure ang mga estudyante n’yo? Hindi naman siguro.
●May
nangmamatang prof at estudyante (hindi ko na ppangalanan kkung sino siya o
sila.)
Mid-2012,
umalis muna ako sa eksena, nagpalamig. Layo muna sa nakakamatay sa pagod na
enrollment at sistema ng dati kong eskwelahang pinapasukan. The same year,
nagpasya akong umalis na nang tuluyan. Bumalik man kasi ako baka mawala nalang
ako bigla sa mundong ito, nabasag na nga ako sa pressure, hindi ko pa
namalayan. Natawa nalang ako dahil kahit pa-exit na ako, ginagago parin nila
ako, at ‘yung ilan kong mga kaibigan dun na nagpasya naring lumipat. Yung Dean
nga hindi ako pinahirapang matapos yung exit form ko tapos ‘yung Office of The
Student Affairs (OSA), Guidance Office, Cashier, at mga Faculty Members,
nag-iinaso pa?
2013,
nag-register at nag-enroll ako sa National College of Business and Arts (NCBA)
o pinalayawang Nakba. Unang sem ko, siyempre kabado. Unaware pa sa environment,
naninibago pa. Pero next sems, nasanay na rin ako. Mababait din naman ‘yung mga
propesor. Hindi nagtataas ng tuition fees, ma-delay ka manmay exams ka pa rin.
I-take mo pa rin dapat. Pag enrollment, sa mga irreg, malaya ang mga
estudyanteng pumili ng schedules nila, may required units pero hindi naman sila
hawak sa leeg. Walang masyadong pressure. Tinaggap nila ako sa kung paano
ako—sa dati kong eskwelahang pinapasukan, halos i-persona non grata nila ako, pero dito sa Nakba, kabaligtaran. Kaya
nagpapasalamat ako sa mga NCBA-ians, mula sa mga propesor/faculty members, sa
OSA, Guidance, Registrar, Janitors, hanggang sa mga estudyante.
Medyo okey
naman ang mga subjects, kahit may tatlong Math sa course ko, okey lang din
naman. Siyempre, nagkaroon ng mas malawak na network of friends at dalagang
nagpaibig sa akin. Hindi ko na babanggitn kung sino siya pero Jorelyn Cabug,
5-2-5-4 , Cupcake ko.
Maiba naman
tayo.
Bukod sa
eskwela, nagsusulat, nagdo-drowing, nagpipinta (pag may nag-aya), nagbuo ng
banda. Hindi ko rin masasabing raket ang mga ginagawa ko, mahal ko lang talaga.
Sa pagsusulat, wala akong sinalihan o kinbilangang mga creative writing
workshops o institutions, kaya natatakot parin ako dahil maaari pa rin akong
magkamali sa anumang aspekto. Hindi naman ako eksperto.
Nagtatrabaho
ang ermats ko bilang isang Food Service Worker sa isang hospital dito sa Quezon
City, at hindi ako nadya-dyaheng sabihing siya ang breadwinner sa amin. Yung
erpats ko kasi, tumanda nalang na hindi parin mahanap yung dedikasyon niya sa
trabaho niya. Sa panahon ngayon, masasabi kong ang dami ring nagkakaganyan.
Yung kapatid ko naman, grad na, ComSci, naghahanap na. Proud naman ako sa
kanila.
Hindi ko na
alam kung ano ang pwedeng isunod dito, kaya ibabahagi ko nalang ang mga aral na
para sa akin, hindi lang sa eskwelahan mapupulot. Bukod dun, wala itong Math.
●Mahalin mo at
maging totoo ka sa ginagawa mo. Wag kang manatili sa trabaho o gawain na hindi
mo naman isasapuso. Pera? Siguro, pero bonus nalang ‘yan. Walang katuturan ang
walang pinaghuhugutan.
●Magpakatotoo
ka sa sarili mo. Wag kang gumawa ng ayaw mo dahil gusto lang ng ibang tao. Yun
yata yung tinatawag na “guilty pleasure” (o mali ako). Tao ka, hindi ka puppet. Kung wala ka rin
namang ginagawang masama at tinatapakan, tapikin mo lang. Pero alamin mo rin
kung nasa mataas o mababang antas ang paglabag mo, kung sobra ba o kulang.
Nakakasama rin kasi ang dalawang ‘yan minsan.
●Wag magsabi
ng problema, liban na lang kung mapagkakatiwalaan ba talaga ang pagsasabihan mo
at hindi ka itutulak pababa.
●Wag matakot
magsabi ng opinyon. Malaki ang pagkakaiba ng nangangatwiran sa bastos. Hindi
ibig sabihin na nangangatwiran, wala ka nang ugali. Ang opinyon ay para sa kahit sino, mayaman ka man o mahirap, gwapo man o
panget, may ngipin man o wala. Pero isipin din kung may katututran ba ang
opinyon mo.
●Wag
manlalandi kung magpupumilit kang mag-ingles kahit maling-mali ang grammar.
Seryoso.
●Dapat
tanggalin ang mga palabas sa telebisyon na puro mga mag-asawang naghihiwalay
dahil sa pangangaliwa. Kaya andaming gumagaya , mga nasisisrang pamilya. Puro
kasi kayo pera, pera, pera!
●Balewala ang
pagiging matalino kung di ka rin marunong making at magtanong. Hindi lagi ikaw
ang pakikinggan, dapat marunong ka ring makinig. Kumbaga sa debate, hindi ka
epektib sa batuhan ng mga ideya.
●Pag
sinitsitan o sinipulan ka, wag kang lilingon. Tandaan: may pangalan ka. Tao ka,
hindi ka aso. Shet sila.
●Hindi porke’t
maraming niligawan, babaero na. Bakit, sinagot ba? Naging mag-nobyo’t nobya ba?
Paano kung binasted kami? Paano kung na-mercy reject kami? May puso rin kaming
mga lalaki. Marurupok rin kami.
●”Hindi lahat
ng bagay nakukuha sa isang tingin, buksan ang ating isipan.” Natutunan ko ito
sa isang patalastas sa telebisyon. May isang lalaking muslim ang
pinagtitinginan ng mga tao. Nakasandal siya sa kanyang motor, parang may
hinihintay, at nagte-text. Iniisip ng mga taong dumadaan sa kanya, ‘masamang
tao’, ‘rebelde’. Pero ilang segundo lang ang lumipas, dumating na ang anak
niyang sinusundo na niya at pinakitaan pa siya ng mataas na marka. Sana ganun
din sa reyalidad ng buhay— hindi tayo pinuputakte ng stereotypes. Luma na ang
“don’t judge a book by its cover”, mas angkop yata ‘yung “know yourself first.”
Ang mga magaganda sa paningin ay siyang may kahindik-hindik na lihim.
●Wag ipapaaresto
ang sarili lalo na kung wala kang kasalanan. □
(Isinulat sa ganap na ika-22 ng Oktubre, 09:09 ng gabi)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento