Biyernes, Agosto 24, 2012

Orihinal na Pilipinong Myusikero



(Written July 26, 2012)


“Madaming musikero sa Pilipinas ang magagaling, ang problema, hindi sila gaanong napapansin.”

Martes, ika-8 ng umaga,nagre-relax ako kasabay ang paghigop sa mainit kong kape (ala-una pa kasi ang klase ko kaya walang masyadong pagmamadali), natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa harap ng aming lumang karaoke system, nakikinig sa di ko alam na istasyon.

Narinig ko na lang ang isang kanta na pumukaw sa atensyon ng aking mga tenga, “Ito na ang ating huling sandali, hindi na tayo magkakamali, kasi wala nang bukas, sulitin natin, ito na ang wakas, kailangan na yata nating umuwi...”, ilan sa mga lyrics ng kantang “Huling Sayaw” ng Kamikazee (kasama ang RNB princess na si Kyla)—isa sa mga impluwensyal na bandang pinoy ngayon. Naisip ko, ‘hupaw, ang galing parin ng musikang pinoy”.

Bata pa lang ako, hilig ko na ang makinig sa musika, naasar pa nga ako nun pag may naririnig akong English nakanta—foreign man o local pa rin. Kahit ngayon, isa ako sa mga nangangarap na musikerong marinig at mapakinggan, at nang masuportahan naman ng Dispulo at Confessional Serenade ang industriya ng OPM, in short for Original Pilipino Music (pero yung iba Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, pero ang tawag ng mga kaibigan ko mula dito sa Tower of Doom, Original Pilipino Metal). Pero iba man ang trip, nagkakaisa ang mga pinoy pagdating na sa tugtugan, kaya nga maraming kanta tayong maririnig na collaborations. At syempre, di rin natin dapat kalimutan ang mga kanta nung araw, tuladng heartbreaking vibrato na “Sabik ako sayo…”

Nakakalungkot mang sabihin pero ang musika natin ay kasalukuyang humihingi ng saklolo sa purgatoryo, dahil sa mga kanta ni Gayber, Lady Gaga, at No Direction? Ewan. Hindi ko sinasabing wag suportahan ang musikang banyaga, pero wag rin naman sanang kalimutan na maraming magagaling na talento dito sa Pilipinas—at kung magpe-perform man sila, performance talaga, hindi yung parang tanga lang sa suot nyang polyester na damit—balut na balot kahit mainit
.
Pero bakit nga ba malakas ang dating ng mga gawa nila kumpara sa’tin? Dahil ba maganda at pogi?Dahil magaling manamit? O baka naman tayo ang may problema. Pano naman kasi, hindi rin natin masisisi ang mga tao kung madali sila maurat sa mga kanta na puro lang nirevive, cover as widely known, at ang malupit, galing pa mismo sa mga foreign artists. Fashion? Expressive musicianship?  Poetic lyrics? Magaling naman tayo dyan eh… Oo, mahirap sumulat at gumawa ng kanta, pero kaya nga nagtutulungan, ‘diba? 

Ayokong isiping bulag lang siguro ang mga tao. Mas gugustuhin ko pang making sa kantang “Lumang Simbahan” ni Larry Miranda kesa ngayon na nadadaan sa bola ng PR at punyetang text votes na yan, oo nga naman—hindi kayang tyempuhin ng mga kantang One Direction at mga K-Pop ang babaeng laging sinasaktan ng asawa nya, o kaya taong nawawalan na ng pagasa dahil sa sabay-sabay na daloy ng problema, o kaya ang delubyong nangyayari sa ating kapaligiran ngayon.

 “Hindi na natin maitatangging palugi na yung mga labels ngayon kaya hindi na sila nagte-take ng risk para sa artist o bandang gagawa ng album”, pahayag ni Melvin Macatiag, kung kilala nyo siya, hindi ko na sasabihin pa kung sino sya. Tumpak. Isa sa mga dahilan ng pagkalugi ng musika natin ay ang pamimirata, kaya dahil sa kakapusan sa suporta, pinipili nung ibang maging independent na lang.”Being an independent artist is hard enough; we’ve almost done that before, mahirap”, malupit pa nyang dagdag. Pero kung tutuusin, mageksperimento ka, pumunta ka sa isang branch ng Odyssey, Astrovision o AstroPlus sa kahit saang branch ng SM Malls, pag tiningnan mo yung mga presyo ng mga albums, wag kanang magtaka kung bakit madami ang gumugustong mag-download nalang sa internet, i-burn sa CD, at ibenta sa halagang P50,P35, o P100 (pag DVD). Kaya sino naman ang musikerong hindi kukulo ang dugo diba? Pero kung sakali mang ibenta man nila yun sa abot-kayang presyo, Sulit din, baka mas mataas pa ang sales ng bumili at mabawi ang malaking gastos sa production budget. Bawi rin kahit sabihing mas malaki yung ginastusan sa paggawa kesa dun sa presyo.

Naiisip ko rin minsan, pa’no kaya kung sama-sama lahat ng musika sa industriya, walang “independent”, “underground”, at ang masang-masang “mainstream”, sa daloy ng impluwensya ng mga imported, marami ang humihina sa pagpapalakas ng OPM—isa sa mga halatang dahilan kung bakit umalis si Cynthia Alexander patungong ibang bansa., for the good daw, pero ang masakit na katotohanan sa isang musikerang gaya nya? It’s a big NO.

Ilang taon narin ang lumipas mula nang magpaalam ang isang istasyon sa radyo,ang NU 107, “the home of NU Rock”, sabihin man nila ang dahilan o hindi, OPM doom lang din ang dahilan..’Controversial’ man daw at ’masyadong sell-out’ sabihin ng iba, matagal narin ang 23 years, naabutan pa yata yun ng pinakagusto kong istasyon, ang UR 105.9, kung saan ang mga independent, at underground artists ang naghahari, ayus. Pero nung nawala sila, madami nanamang mga musikerong magsisikap nai-promote ang mga sarili nila kahit alam nilang hindi madali.

Ilang araw ang lumipas matapos ganapin ang kauna-unahang Philippine Popular Music Festival, na pinangunahan ng beteranong kompsitor at tinaguriang “Beethoven of the Philippines”, si Maestro Ryan Cayabyab, kasama ang iba pang magagaling sa larangan ng musikang Pilipino. Mahigit 3,000 piyesa ang pinagaralan, pero 14 lang ang pinalad na umabot sa finals. (Sayang, may dalawang entry ako, kaso di ko na-submit dahil sa ilang problema), Kahit nainiintriga ang ilan sa kanila matapos ang kompetisyon, Congratulations parin sa kanila, kasabay nun ang paghiling na ang lahat ng mga kanta nila ay mabigyang-pansin, at tumatak sa mga playlist ng marami, na pinapatugtog sa mga radyo, pinapanood sa YouTube bilang soundtrip, dina-download sa iTunes, at kinakanta saan man patungo.

Hindi masamang sumuporta ng mga banyagang impluwensya, tutal musika rin naman yun eh. Pero wag din naman sana nating kalimutan ang sariling atin, at dun sa iba na puro porma lang, kung musika, musika lang, wala nang halong kagaguhan… Hindi nyo na kailangang magsuot ng ekstraordinaryong damit para punain at i-ban ng mga tao at debotong simbahan para magconcert dito sa Pilipinas, hindi mo na kailangang mag-girlfriend ng marami, at ma-isyung may naanakan ka, hindi mo narin kailangang magpa-pogi sa mga gigs para lang tilian ng mga chicks, hindi mo na rin kailangang ipamahagi ang merchandise na ikaw rin mismo ang gumawa kung aangkinin lang ng isang istasyon gayong wala naman silang kontribusyon sa pagod at effort mo. At higit sa lahat, hindi ka na kailangang kumain ng bubog para lang magkademo.

Calamity… Fun??



(Written August 14, 2012)




Ilang araw ang lumipas, nang manguna sa mga balita sa mga lokal na pahayagan, telebisyon, at radyo ang panibagong delubyo sa bansa natin. Mula sa bagyong Gener  Helen, at di-na pangalanang bagyo na dumaan lang sa bansa natin dulot ng malakas na hanging habagat, na kung saan, yun pa yung pinakamalakas na bagyong halos tumalo kayOndoy. Nakakatawa nga eh, dahil hindi naman talaga sya bagyo, pero kung makaasta, nagpapaka. Panggap.

Kasabay nun ay pagsuspindi sa mga iilang government at non-government employees, at sa lahat ng mga klase sa bawat kanto ng Pilipinas, pampubliko man o pribado. (Pero nakakairita rin dahil yung eskwelahan namin, hindi man lang nagawang magpaanunsyo sa telebisyon o radyo, puro lang sila Facebook at text, pano naman yung iba? Kung wala silang cellphone, o walang telepono o kaya’y di nakapagbukas ng Facebook account nila eh di pa nila malalaman na wala palang klase? Mga abnoy. )

Grabeng baha, na nagmistulang dagat, nahihigit pa sa pinakamalawak na dagat sa balat ng Guinness Book of World Records. Kaya pinayuhan narin ang karamihan na manatili nalang sa kani-kanilang mga tahanan, at wag munang pumunta sa kung saan-saan. Nakita ko ang grabeng baha sa tapat ng STI sa may Ortigas, halos abot singit na yung lebel ng tubig, paghindi pa ito humupa, makikita ko ang mga tao, walking down “under the sea”. At kahit sabihin ng mga taga-ibang bansa esp. London na olats tayo sa 2012 Olympics, isa lang ang masasabi ko, “Filipinos were raised with great swimmers”.

Halos gazillion (halagang lumalampas sa pinakamataas na yunit ng milyon) na mga pagaari ang nawawala, na pinsala at natupok ng apoy---- biruin mo, nagkaroon pa ng sunog sa iilang mga magkakasunod na bloke ng mga kabahayan sa ilang lugar, faulty electrical wiring daw, yung iba napabayaan ang mga flammable materials, eto ang mahirap sa mga bahay na magkakadikit eh, pag nagkasunog, kapit-kapit din. At syempre kung may nagbrownout at nagblackout, meron namang nabiyayaan ng kuryente—yung iba nga straight to the body yung bahagi, ayun, dedbul.


Nagkandaugaga si PNoy at mga ahensyang tulad ng PAGASA, DepEd (wala na ang CHED, ipinatanggal ko na dahil parang wala namang kumikilos, mas mabagal pa kaysa sa pagong--loko lang.), DPWH, at iba pa upang matugunan ang iba pang napinsalaan, mga dapatayusin, at mga dapat tulungan. Kahit pa ang mga artista eh hindi rin nagpahuli, isa na dito si Angel Locsin, na hindi talaga pupwedeng hindi tutulong sa mga nasalanta ng bagyo, natatandaan ko nun nang ipa- online auction nya ang mga mamahallin nyang bags at accessories parai-fund sa mga nasalanta ng bagyo,hindi tulad sa iba dyan na madasalin nga, nagawa bang tumulong sa kapwa? at etong mas gusto ko, hindi sya papayag kung hindi sya ang magaabot ng tulong sa mga nawalan. A true angel inside and out. Swerte ni Phil Younghusband.  Ang longest-running noontime variety show na Eat Bulaga!, inubos nalang ang buong episode ng isang araw para mag-impake ng mga relief goods sa mga nangangailangan. Iba ang pinoy pag nagkapitan. The rest? PR na lang yan.

Mayaman man o mahirap, walang pinipili ang sakuna, kaya kahit ang mga crush kong mga artista, ang ilan sa kanila, apektado rin ng insidente, ano sila waterproof para di tablan?

Sino ang may kasalanan?

Diyosba? Kapaligiran?  O yung mga kalamidad mismo na tayo rin ang may gawa?

Tayo.

Yan angkatotohanan. Kung susumahin, hindi ako environmentalist, pero halos kalbo na ang kagubatan sa mga puno na hindi naman pinalitan pagkaputol, hindi masamaang logging, pero kung hindi mo naman tataniman ng pamalit, sino ang hihigop sa baha kapag tumaas ito? Sino ang hihigop ng maruming hangin? Ikaw ? Hindi ka si Rico J. Puno, dre.

Mga basurang kung saan-saan lang tinatapon?  Teka, para sa’n pa ang mga basurero’t kung saan lang itinatambak yung mga basura? Maski ang mga landfills hindi narin napapansin. Pero sa kabila ng lahat, andyan parin ang mga junkshops para isalba ang mga basurang may silbi pa, “may pera sa basura”, ika nga nila.

Tutal nabanggit ko narin yung hangin, susulitin ko na’to. 

Sa pagbuga ng maitim na usok mula sa mga punyetang pabrikang di man lang magawang i-upgrade ang sistema nila, sa mga bus na bulok na ang pintura sa kalawang na dinagdagan pa ng nanlalambot na gulong, at sa mga bungangang mga naninigarilyong nambubuga pa sa ibangtao, mas malala kung amoy imburnal pa yung hininga.

At iilang mga ahensyang pulitiko nanamamatay na ang mga kababayan nya , wala syang iniintindi kundi ang pagtakbo nya sa 2013 elections, na ngayon ay hindi parin alam ang tunay na kahulugan ng salitang “pagtulong”. Hindi na kita iboboto uli.

Sa mga ganitong sitwasyon, mararamdaman mo talaga ang espiritu ng pagtutulungan ng mga Pilipino. Sa gitna ng kalsadang nagmistulang dagat, nagawa parin nilang magbasketbol at magswimming kasama ang mga foreigners na enjoy na enjoy din naman. Ito ang tunay na ibig sabihin ng tagline na “it’s more fun in the Philippines”, hupaw. Sa gitna ng kalamidad hindi parin natin nakakalimutan ang ngumiti at sabihing “di mo kaya yan nang magisa, tutulungan kita.”



(Itutuloy..)

Sabado, Agosto 11, 2012

Professional wrestling: Over-sellout



(Written August 2, 2012)



Bata palang ako nung unang makanuod ng isang wrestling match, mid-2004 pa, grade 4 lang ako. Pagkakatanda ko pa nun, sa RPN ko pa yun pinapanood, may 5 o 6 pm, meron din namang 7 o 10 pm. At dahil di pa familiar sakin ang mga ganung palabas, medyo naengganyo narin akong manuod, sa TV man o sa DVD.. “Eh pugo, mas enjoyable pala ito kesa sa boxing eh.”

Unang match na napanuod ko nun ay nung nagaway sina Undertaker at Heidenreich sa isang episode ng WWE Smackdown!, kung saan duon ko unang nakitang ginawa nya yung pamatay nyang finisher, ang Tombstone Piledriver. Sumunod nun ay ipinalabas ang Royal Rumble (2004 yata yun, nakalimutan ko narin), kung saan first time ko rin makakita ng duguang labanan—hardcore, ika nga nila. Triple H vs. Randy Orton, gagamitin sana ni HHH yung martilyong ihahampas sa duguang si Orton, pero bumaliktad, sya ang nahampas. Duguan? Putik, eh di dapat patay na yung mga gumagawa ng ganyan. Ba’t di pinagbabawal ang ganitong klaseng isport sa telebisyon?
Dun ko nalaman na professionally-trained sila—na lagi nilang pinapaalala sa mga panahong ito. Kumakain sila ng ilang tao para hasain yung mga gawa nila, trabaho narin, kung tutuusin, madugong trabaho. Nabasa ko sa isang men’s magazine, “Yung mga wrestling na napapanuod sa TV, scripted yun. Alam na nila kung sino yung mananalo pati yung gagawin ng mga tao dun.”

The same time, akala ko , WWE (World Wrestling Entertainment) langang nagpo-produce ng ganun, hindi pala, yung iba, independent lang. Sikat lang ang WWE, biruin mo naman, bilyun-bilyon ang kinikita nila buwan-buwan, PPV events, merchandising, advertising, at kung anu-ano pa. Kunsabagay, may pinapatunayan naman eh. Yun ay kapanahunan pa ni The Rock, at yung mga retirado nalang ngayon. “The Attitude Era”, at “The Invasion” kung tatawagin. Andun na ssina John Cena, Rey Mysterio, Undertaker, Batista, at D’ Generation X sa eksena nun.

Noon lang yun.

Nasaliksik ko dati sa internet kung ano pa yung ibang mga promosyon ng Pro-Wrestling. Isa sa mga nakita ko angTotal Nonstop Action (TNA),na WWE-style din, pero may discrepancy naman. Maliitang arena, konti lang yung fans na kakasya, halatadong medyo gipit din yung may-ari, pero parang sila na yata ang nagpasikat sa paggamit ng six-sided na wrestling ring, oo, hexagonal nga, kumpara sa mga ordinaryong ring na hindi nalalayo sa ring ng boksing.

Maganda rin yung mga spots, kung tutuusin, maliit yung venue pero swak naman sa kuha ng camera, hindi OA. Isa sa mga napanood ko nun ay si Jeff Hardy, na isa rin sa magagaling na high-flying wrestlers na kayang ibuwis ang buhay, makatalon lang sa ibabaw ng kulungan, hagdanan, madale lang ang kalaban. (Take note, bago sya umapak ng TNA, nag WWF din sya, nag WWE, at ngayon kasalukuyan syang nasa TNA parin. Halatadong nabwisit narin sa kabaduyan ng WWE sa paglipas ng panahon.), natuklasan ko rin na ang mga wrestlers din nila, nanggaling din sa WWE—nandun narin si Kurt Angle, Hulk Hogan, Sabu, at ang bagong lipat na si Chavo Guerrero. The rest? Galing nasa ibang promosyon. Sila ang magandang panoorin kapag may away.

Pero sa paglipas ng panahon, natutulad narin ang TNA sa WWE, panoorin mo sa YouTube o tumungo ka sa site nila, (TNAWrestling.com), malalaman mo kung bakit. 

Isa sa mga ineksperimento ko nung panoorin sa mga sites eh yung ‘hardcore-themed,’ yung tipong duguan, pero iba na yung ginagawa, suinusunog, hinahampas ng fluorescent lamp, kinakaskas yung mukha sa pangkuskos ng keso (sensya na, nakalimutan ko yung tawag dun eh.), o kaya yung mga duguan, ibabalibag sa papag na may asin, at etong malupet, yung lubid ng ring nila, barbed wire. Pero ligtas naman yung referee, hindi sila pupwedeng saktan o abusuhin.

Combat Zone Wrestling (CZW), IWA-Mid South, Japan Pro Wrestling, ilan lang sa mga examples ng mga ganyang klaseng di ordinaryong labanan, nagpapatunay na may tatalo pa pala sa Extreme Championship Wrestling (ECW),  nawala narin ngayon dahil siguro sa pagkalugi.  Ngunit kung ang trip mo any mga chicks na gusto mong makasama sa habang buhay maghanap ka sa Women’s Extreme Wrestling (WEW),pero pag nakapagpakasal ka sa isa sa kanila, wag kang magkakamali, kung ayaw mong mangyari sayo yung mga nangyayari sa kanila—na nakikita mo sa mga laban nila.


Umuusbong nga talaga ang industriyang ito, a different fusion of sports and entertainment, na hinaluan ng shock value at gimmicks. Pero sa tagal na panahong pagkahilig sa panonood sa kanila, halos alam ko na yung sistema nila (kung pano nila mina-manipulate ang ganito, ganyan, etc.) At sakabilang mga yun, may mga kuro-kuro parin na naiisip ko nalang bigla, tulad ng mga ito:



·         Bakit karamihan sa kanila, underwear lang ang suot?—Ewan, pero ikaw ba naman, makipaglaban sa loob ng mahabang oras, di ka maiinitan? Hindi naman dapat yan ang tanong eh, ang tanong dapat, bakit yung iba, balut na balot kahit mainit?

·         Bakit yung iba kung anu-ano pa ang ginagawa, aatake na nga lang sa kalaban? —kaya sila naiilagan eh, pumapalya yung moves nila dahil sa kagaguhan din nila. Tapos yung iba nagagalit sa mga fans o kaya dun sa mga referee, eh sila rin naman ang may kasalanan, rugrat.

·         Bakit yung mga babae, parang mas malakas pa kesa sa mga lalaking wrestlers? —hindi sa mahal ko ang mga babae ah, iba yun. Ang mga babae kasi, maghalo man ng gimik, sa laban nila, konti lang, pinapatunayan nilang “focus lang dapat sa laban”, yung mga lalaki eh kung anu-anong kabaduyan ang ginagawa, mas maarte pa kesa kay Justin Bieber, wala naman sila sa gay wrestling.

·         Bakit ang hilig nilang magbungangaan? — For match stipulations? Okay, pero hindi ba pwedeng sa laban nalang magkaalamanan? Kasi sa totoo lang, hindi lahat ng manonood eh nage-enjoy sa pakikinig ng mga patutsadahan nilang wala namang katuturan at walang patututunguhan.

·         Bakit may mga nanghihimasok sa laban ng may laban?—Disqualification, ika nga. Sino bang maaliw sa isang taong nakikisali sa labang hindi naman sya involved? Papansin lang? Nakakatawa. Palibhasa, walang trabaho.

·         Bakit yung iba naglalabing-labing pa sa harap ng kamera? —MTRCB, hindi ito maganda sa mga 18 pababang mga edad, naglalampungan sa harap ng milyun-milyong mga manonood …ano ‘to, Myrtle at Yves, PBB Teens?

Kasabay ng daloy ng panahon, ang pagbabago ng hilig ng mga tao, iba-iba man ang larangan, pero sana yung mga suhestyon kong iba eh mapagtuusan din ng pansin,  pero kung hindi, ok lang.  Sa paglipas ng bawat araw,,nare-realize ko na sa likod ng pagkahilig sa mga ganito, ang Professional Wrestling din pala nababahiran ng kabaduyan, ‘ano?