(Written February 15, 2014, Saturday, 03:12 pm)
**********************************************
First time ako susulat ukol sa banda.
Hindi ako nagbibiro pag sinabi kong isa ang Kamikazee sa
paborito kong banda.
Seryoso nga mga disipulo. Idol ko si Jay [Contreras] bukod
kay Jeff Hardy, Kurt Cobain, Ian Tayao, Lourd de Veyra, Joey de Leon at Gabby
Alipe . Hindi sa tato, sa dating pagkahaba-haba ng buhok, o lakas ng appeal sa
mga chicks. Kundi sa mga walang kupas na komedya sa mga tugtugan at mga ‘overcharged
performances’. Saktong Kamikazee, parang ‘suicidal’ ang dating (pero ang
suicidal talaga na bandang alam ko dito nun eh Queso.) “Erratic” daw
sabi ng isang kaibigan kong babae—napakamapanghusga naman ng salitang yun. Sa
palagay ko, dapat siguro “remarkable”, dahil ang bokalista ng nasabing banda ay
epektib ring love advisor (syempre, ako lang ang may sabi nun) hindi mo
maitatangging may tama ang mga mala-pangtelenobela nyang mga linya tulad ng “Kayong
mga lalake, wag kayong magpapagamit sa
mga babae dahil hindi kayo kasangkapan. At sa mga babae naman, alam naming
masarap kaming paglaruan ngunit sana’y maisip nyong may damdamin din kaming
nasasaktan”. O kaya “Mahalin nyo
ang mga boyfriend/girlfriend nyo, kasi
pag nawala ang mga ‘yan, duon nyo lang sila mamimiss” bago tugtugin ang
‘Halik’. Move over, Papa Jack at DJ Chacha.
2000 mula sa UP Fine Arts nabuo ang Kamikazee (6 years old
lang ako nun.) Binubuo nina Jay Contreras,
Jomal Linao, Led Zeppelin Tuyay, Allan “Bords” Burdeos, at Jason “Puto”
Astete. Actually, may isa pa talaga silang bokalista, yun nga lang, mga 2001
yata, nagpaalam din. Tulad ng kinukwento nila madalas, Boyband tapos
naging Kamikazee Cornflakes ang pangalan
ng banda na naging Kamikazee nalang dahil sa palagi nilang nakakalimutan ang
pangalan ng grupo nila (ganun talaga pag nagkakaedad, sign of aging yan.)
Patugtug-tugtog lang nung una, nung tumagal sa tulong ng tropa nilang si Ocho
Toleran ng Cheese, naireto sila sa Warner Music na nagtala sa kanilang
self-titled debut album. Sa isang kwento nila sa PULP Magazine year 2009, “Nung
nag-start naman kami eh wala naman kaming original talaga eh, kaya lang kami
nagsulat kasi nga nung bigla kaming kinuha ng Warner dun palang kami nagsimula.
Nagsign na kami, wala pa kaming original na kanta. (Parang)‘Uy, kailangan
nating gumawa ng original kasi ang boga naman kung first album namin panay
cover lang”, paliwanag ni Jay. Pero nung pinakinggan ko yung mga kanta, okey
naman eh. Hindi naman tunog minadali. Mas gugustuhin ko ito kesa sa mga
kumakanta nalang para tilian ng madaming babae tuwing guesting sa TV at mall
shows; kulang nalang tumakbo sila sa halalan.
Di rin naman sila tumagal sa Warner, ang tsika nila eh
parang wala daw plano pero nagtuluy-tuloy lang sila sa pagtugtog hanggang
nag-audition sila sa Universal Records (sa tulong rin ng isa nilang solid na
katropang si Chito Miranda) kung saan nakagawa sila ng 3 albums , hanggang
ngayon hindi parin bumitaw sa kanila.
Una ko silang napanood nung guesting nila sa Unang Hirit sa
GMA7 nung 2005 yata yun? Punyeta, hindi naman ako maaaresto kung sablay ang
tantiya ko sa timeline eh. Hindi pa masyado long-haired si Jay, hindi pa
ma-tato ang kanilang mga katawan, at mukhang seryosong mga tao nung nakita ko
sa TV. Pinerform nila yung “Chiksilog” na kasama sa compilation album ng
LevelUp! Games, ang Rok On! (Nakakalungkot
nga lang din pero meron pa bang LevelUp ngayon? Parang hindi ko na ramdam eh.)
As usual, hindi pinatapos nung show yung performance kasi nagpatalastas
nanaman. Naiintindihan ko ang side ng mga commercial para isingit yun sa
segment ng programa, pero iba yung entertainment sa negosyo. Insulto yun sa mga
nanonood sa tahanan at nageenjoy dun sa performance ng banda, kahit sabihing sa
TV lang. Pero hindi na natin yun palalakihin, tutal mayaman narin naman sila
ngayon eh at hindi na rin baguhan sa eksena.
Tulad ng nabanggit, nakapagrelease sila ng 4 na studio
albums.
o Kamikazee (2002, Warner Music Philippines)
- debut album, astig ang artwork sa
cover. Ang album na nilabasan ng mga kantang “Tsinelas”, “Rocky Jr.”, mga cover
nila ng “Lucky” ni Britney Spears at “Sana Kahit Minsan” ni Ariel Rivera. At
siyempre, pinakagusto ko dito yung “Girlfriend”; kung hindi ako nagkakamali,
ito lang ang kantang ingles na ginawa ng ‘kazee. Pero walang masama dun ah. At
least, makabayan parin sila.
o Maharot (2006, Universal Records) – 1st
album nila sa UR. Eto rin ang pinaka-‘highlight’ sa discography nila, humampas
sila sa mainstream sa mga kantang “Martyr Nyebera”, “Ambisyoso”, “Seksi Seksi’
, ang “Narda’ na naging hit lalo nang ginamit sa isang fantaserye sa GMA7 na
pinagbidahan ni Angel Locsin, at madami pa. The same year, if I’m not probably
mistaken, yun din yung taon na ni-release nila ang rendition nila ng Doo Bi
Doo” sa tribute album para sa Apo Hiking Scoiety.
o Long Time Noisy (2009, Universal
Records) – “hindi daw masyado bumenta”, pabirong hirit sa kanilang official
Facebook fanpage. Nakakalungkot isiping
maaaring tama pero sa isang banda nakakadismaya, kasi overshadowed na ang OPM
ng Kpop nung taong ‘yun. Nakakapanghinayang
kasi ang dami nilang magagandang kanta dun na meron ding katuturan, na pwede
ring gawing singles eh. Dahil ba sa maingay tulad ng kantang “Chismosa”,
“Eschoos Me” at “Lalandiin”? Malamang, kaya nga may noisy sa pamagat eh. Kung
ayaw mo pakinggan eh di ‘wag. Wala akong pakialam.
o Romantico (2012, Universal Records) – tulad nung
pamagat,mas sumimple, mas lumambot at hindi sya ganun kaingay kagaya nung last album (liban nalang sa
“Wo-Oh” na nakakarelate ako kasi pangit
ako eh, at cover ng “If You’re Not Here”
ng Menudo kung kasama si Chris Padilla at Steve Badiola na bumabanat.)
Excellent collaboratons with Kyla on “Huling Sayaw”, Choko Abejo of Concrete
Sam on “Tamis” which is a CS original; Chris Padilla of HIlera and of course,
Steve Badiola of Typecast on “If You’re Not
Here”.
Kahapon, Valentine’s Day, 46th Anniversary ng
school namin. Syempre, campus gig ‘yun. Ibang-iba kumpara sa annual PULP
Summerslam at Tanduay Rhum Rockfest na may inuman, at may moshpits.
Natawa ako, mas marami pang naitugtog nung mga local bands ng eskwelahan namin
kesa sa main event; hindi ko trip yung
mga banda kaya hindi ko narin pinakinggan liban nalang dun sa Tupa ni Ada (sempre
hot ung vocalist eh) at dun sa isang banda na tumugtog bago ang Kamikazee.
Nakalimutan ko na ang pangalan ng bandang ‘yun pero natuwa ako kasi tumugtog
sila ng originals nila mismo. Tumugtog ang ‘kazee. 6 songs lang ang nabanatan
nila dahil di kasya ‘yung oras para sa isa pa nilang gig (sa ParaĊaque yata 'yun), tapos
medyo na-delay ng konti dahil yata sa mabigat na trapik. Hindi na kami
nakapagpa-piktyur o nakapagpa-autograph after nung show dahil pinasakay sila
agad sa kotse. Bitin pero ok parin.
Marami akong mga kaklase dati na pag nagkakakwentuhan ng mga
banda, pag may bumanggit ng Kamikazee, sinasabi manyak daw, bastos daw dahil sa
kanta nilang funk/reggae ditty na “Vagina” (na may linyang “Vagina, I hope you
like vagina too; Vagina…”). At bakit? Dahil laging may mga tsiks na humahalik
sa boklista t’wing tugtugan? Dahil mahalay sumayaw si Jay? Dahil binabanggit
palagi sina Manny Pacquiao, Lady Gaga at Justin Gayber ni Jay (at nung apat din minsan) sa mga
kulitan nila? Motherfounders na mga maarteng kritiko. Akala naman nila mas
maganda kung One na No Direction o Chicser ang gagawa nun. baka nga batuhin pa
yun ng bomba ng mga manonood eh.
Speaking of green jokes at comedy, syempre, dahil
idol ko nga si Jay at yung apat pa, eto ang ilan sa mga malulupit na
linya na nagmula sa kanila (pasensya na , kung karamihan ay kay Jay mismo,
dahil yung apat eh di naman masyado madaldal pag nasa stage o backstage),
hanapin mo man sa YouTube o Google, o kung pwede, itanong mo pa sa kanya, sa
mga kaibigan nya o kaya kay Travis Kraft. Kung kayo’y nababastusan na, takpan
nyo na lang ang inyong mga mata.
1.
“Suportahan nyo yung album ni Gloc 9 yung MKNM,
Mga Kwento ng Makata. Yung Parokya, Inuman Sessions Vol.2, out na, pero sana
suportahan nyo rin yung album namin, iboto nyo yung ‘Huling Sayaw’ tangina
kelangang-kelangan namin ang pera nyo; mayamang- mayaman na ang Parokya ni
Edgar, mayamang-mayaman narin si Gloc 9, kami sakto lang.”- Jay, habang
iniimpersonate si Gloc 9
2.
“Wag nyong kinahihiya ang vagina, yan ay isang
creation ni God. Lahat tayo dyan galing."
Kung di ka galing sa p***, di ka tao, kung galing ka sa pwet, tae ka. Anumang mangyari babalik at babalik ka kung sa’n ka
nanggaling; tingnan nyo ‘ko ang laki-laki ko na pero bumabalik parin ako sa
p***.”
(Itutuloy…)