Huwebes, Hulyo 26, 2012

SONA Naman…



(Written July 24, 2012)

Hindi mo maitatanggi, pero alam kong nganga karin sa ginawang State of The Nation Address ni PNoy kahapon. Mapupuna dyan ang proudly-usage nya ng ating sarilngdayalekto----na para sa kababayan nating may kahirapan din sapag-unawang mas malalalim na salitang ingles.. Kung tutuusin, mas ok na ‘to, kaysa naman sa iba dyan..nakatapos na ang SONA nya, reaction nung mga tao? “Uy ano nga uli yung sinabi nya? Hindi ko maintindihan eh!” Kung mapapansin mo rin, parang kabisado nya ang lahat ng datos ng bawat departamento, kunsabagay, may Powerpoint syang back-up kaya mukhang sisiw lang sa kanya at hindi man lang sya nakatulong isang patak ng pawis, at higit sa lahat, hindi sya ubo ng ubo.
Pero hindi yun ang isyu dito.
Mula sa national budget na halos kulang parin para sa Pilipinong nanganganak at naanakan buwan-buwan, patungong PNP Chopper Deal, hanggang sa Syntax Bill, mukhang marami ngang plano itong si PNoy. “Hindi tsambang positive rating ang bansa natin”, at “walang hindi makakaya ang nagkakaisang Pilipino”. Nga naman, pero kung talamak parinang mga tarantadong corrupt, eh wala pa ring mangyayari. Misery.

Tinukoy ang bawat departamento, mula sa DOH, DepEd, PNP, at madami pa.. Hindi ko alam kung bakit ako natawa nung makita ko ang pagmumukha ng mga ilan sa bataan nya sa tuwing nai-‘special mention’, kesyo ginawa nya daw yung ganito o ganyan. Pustahan tayo, hindi lahat yun eh ginawa nya.

Mula sa statistics na 6.44 GDP Growth ngayong taon, o P3.1M na naipon para sa Pantawid Pamilya Program , o 1,520 sitios na napailawan at nabigyan ng kuryente, masasabi kong may nagawa nga sya.. Pero hindi parin nakakasiguro yung mgakaibigan ko dito sa Project 6. Hindi ko na inisa-isa pa ang mga datos na yan, hindi naman ako geek o eksperto sa Logical Analysis. Anti-Math kasi ako eh.

Pero ito ang pinakaimportanteng mga detalye (parasakin) na tinukoy nyang tumatak sa utak ko:
·         Deped
→61.7M na textbooks, 2,573,372 upuang gagawin at target na 66,800 na bagong klasrum na ipatatayo sa taong 2013 –eh naknantipus naman, kung madami pa ring mga burara at hindi maingat na mga estudyante, perwisyo sa mga kagamitan, at mga artist-wannabe, yang mag librong yan? Tsak, ilang taong lumipas, pantakip na ang mga pahinang yan sa butas ng bubong na ililipad na sa sobrang lakas ng hangin tuwing may bagyo. Yung mga upuan?Babaklasin nila yan iuuwi yung mga parte, lalo na yung turnilyo (ewan ko ba kung bakit nila ginagawa yun), at pag upo ng mga estudyante, mare-realize nila na iba pala ang ordinaryong upuan kesa sa tumba-tumba. Yung mga klasrum?Tsak puro murals na yang sa mga nangagarap maging artist balang araw, nilubak-lubak yung mga pintura, kaya nagmukhang abstract paiting na hinaluan ng graffiti at vandalism. 
→TESDA Scholars—434,676 ang mga nabigyan ng trabaho, mostly of them came from vocational schools. Kaya mali kung sasabihin nyong ‘napakababa’ nila, kesa sa mga regular students na hirap magaral dahil sa hindi talaga nila makuha yung kursong talagang nais nila dahil sa sobrang kamahalan.
→45.7M na estudyanteng regular na pumapasok na sa eskuwela—isang malaking katatawanan ba? Isipin nyo, hindi lahat ng estudyante pumapasok sa eskuwela, yung iba, pumapasok sa mga klaseng komportable sila at naipagtatanggol ang karaptan nila sa papanong paraan, yung iba naman umaabsent paminsan-minsan, meron din namang ayaw pumasok sa lahat ng klase, at etong malupet, dahil yung iba naman hindi pumapasok para lang makapagwelga sa kahabaan ng Commonwealth Ave at makipagbatuhan sa mga batalyon. Mas masaklap pa pala kayo sa kalagayan ko eh... Pero na sa magulang na rin yan, ‘Responsible Parenthood’ ,ika nga. Kaya kayo mga kapwa ko estudyante, imbes na makipagtakbuhan sa mga kapulisan at maliitin ang kakayahan ng pamahalaan ng walang patutunguhan, magaral na muna kayo ng mabuti—kahit nahihirapan pa, o kaya magtrabaho kayo at nang meron naman kayong mapatunayan.
·         Department of Health
→Pagdami ng pilipinong myembro ng PhilHealth, 5.2M na mahihirap ang natulungan—dalangin ko lang din na sana eh hindi na mangyari ang delubyo sa PhilHealth ilang taon na rin ang nakakalipas. Anong nangyari sa mga umalma? Ayun, naghanap lang sila ng wala.
→Pagbaba ng kasong Dengue— hindi nila yun masasabi. Hindi nila ito kontrol anumang oras.
→Dumami ang mga nurse na nai-deploy sa iba-ibang barangay. 1,021 health professionals sa iba’t-ibang pook—at least, may napala narin ang mga nagtapos ng medisina at nursing na tambay lang ang kinasundan.. Congrats sa inyo, galingan nyo ang pagsisilbi sa bayan.
·         Iba pang mgabagay
→Elevated NLEX-SLEX Connector sa 2013— kasabay nito ang pagbabawal ng talamak na counterflow, at pagbabawal ng mga sounds ni Lady Gaga, Justin Bieber at Katy Perry sa mga sasakyan... Para sa ikaaayos ng mundo.
→”Relief Goods sa tao, hindi tao sa Relief Goods.”— Hindi raw kulang, tingnan lang natin. Sigurado, madami pa ring mga buwakaw sa pamamahaging tulong dyan, yung iba nga eh halos pwede nang magtayo ng tindahan o chain sa isang mall sa Ortigas.
→45% ng mga pulis,na walang baril noong 2010, nabigyan na— ang tanong, sa mabuti ba ginagamit? Eh kung pagpapaputok lang sa bagong taon at pangyabang lang ang main purpose ng iba dyan eh iba nalang ibigay nyong baril. Suggestions? Tirador.
→Peace Process sa Mining at Militar— yanang gusto kokayPNoy, kahitnagkakagulonaangmgatao, nagawa pa nyangkumalmasagitnangkontobersya, at gumagawasamabutingusapan. Yan angtuunaynapinuno,hindipadalus-dalos, dinadaananglahatsadiplomasya.Minsan.
→Export ngPilipinasnabigas, target sa 2013, 15M cocowater liters, ine-export na— nagpapatunay na ang Pilipinas, kayang makipagsabayan sa kalakalan… For that matter.
→Comprehensive Agrarian Reform— dagdagniya, “bagoakoumalissapwesto, dapat naipamigay na lahat ng sakop na lupang CARP.”, at least tiwala parin ang taumbayan… Yung Hacienda Luisita nga na pinagtalunan mula 2004 pa, pinamigay na nya kahit napahaba ang pagtatalo, yun ngal ang, tigang na yung ibang lupain, pero okay parin naman.  
Pero kahit ganun, may napuna din akong mga isyung hindi na nya isiwalat, kung meron man, iilang segundo lang.

→Filipino Culture and the Arts— sa impluwensya ng punyetang kpop at mag revealing at ‘iluminadong’ suot ni Lady Gaga at baklang mayabang na si Gayber, hindi narin nakapagtataka kung isang araw humihingi ng saklolo ang sining at musikang pinoy sa purgatoryo dahil sa kakulangan sa suporta.
→Agawansa Scarborough Shoal—gago rin itong mga ibangTsinong namimilit hindi naman kanila, parang mga daliri, kung ano yung masikip, yun pa yung gustong siksikin.
→RH Bill— samahabangdiskusyon at debate, sapabor at hindi, anonangaba? Kunsabagay, depende rin sa pamilya yan, kung marunong sila mag-family planting ah este planning pala. Ika nga sa kanta ni Bamboo sa isang komersyal ng PhilamLife, “Basta May Plano, Kaya Mo Yan…”
→DAGDAG-SAHOD— Self-explanatory.

“Hindi ako ang gumawa ng pagbabago, kundi kayo.” Mataray nyang hirit, pero ang sakin naman, ”hindi ako, ikaw, sila, o kami ang gumawa ng pagbabago, kundi tayo”. At maliban sa ‘walang wang-wang’, sana eh alisin narin ang ‘bang-bang’, despues, gaganda ang buhay natin pag nagtutulungan tayo..papasok ang swerte, biyaya, mga ganun. Huwag tayong umasa sa mga pulitiko lamang— hindi ko sinasabing hindi tayo humingi sa kanila ng tulong, iba yun. Tandaan: Hindi lang pulitiko ang kayang magsilbi sa bayan at sa kapwa mamamayan, at hindi lahat ng bagay ay nasusulusyunan ng mga pulitiko, kahit na merong mga pulitiko na hindi naman talaga ginagawa ang mga yan. Yung iba nga eh, ang ginagawa lang eh magupload sa Facebook ng pictures nya kasama ang Hooters Girls sa isang eroplano galing Los Angeles.
Pero anuman ang mangyari, iisang bansa tayo. Iisang Bangka tayo.

Hupaw, may nangangamoy pulitiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento